• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-08-14 19:07:29    
Agosto ika-6 hanggang ika-12

CRI

Nagpadala noong Huwebes ng mensahe si premyer Wen Jiabao ng Tsina kay Xanana Gusmao bilang pagbati sa kanyang panunungkulan bilang punong ministro ng East Timor. Ipinahayag ni Wen sa mensahe na lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang pagpapaunlad ng relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon nila ng East Timor at nakahanda siyang magsikap, kasama ni Gusmao, para mapasulong ang walang humpay na pagtamo ng bagong progreso ng pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan.

Ayon sa ulat ng panig na militar ng Pilipinas noong Huwebes, sinalakay ng sandatahang lakas na kontra sa pamahalaang Abu Sayyaf ang isang grupo ng pamamatrolya ng hukbong pampamahalaan ng Pilipinas at may 9 sundalo ang pinatay at 2 ang nasugatan. Kinumpirma naman noong Biyernes ng panig militar ng Pilipinas na mainitang nagpalitan ng putok kahapon ang tropang pampamahalaan at lokal na sadatahang lakas na kontra sa pamahalaan na ikinamatay ng mahigit 50 tao ng magkabilang panig. Sinabi ng tagapagsalita ng panig militar ng Pilipinas na sa naturang sagupaan, pinatay ang 27 sandatahang tauhan na kontra sa pamahalaan.

Nilagdaan noong isang linggo ng China National Offshore Oil Corporation at Singapore Petroleum Company Limited ang kasunduan hinggil sa pagtutulungan sa paggagalugad sa langis sa Pearl River Mouth Basin sa dakong silangan ng South China Sea. Ayon sa salaysay, ito ay kauna-unahang pagtutulungan ng nabanggit na dalawang bahay-kalakal.

       

Sa kaniyang talumpati noong Miyerkules para sa pambansang araw, ipinahayag ni Lee Hsien Loong, punong ministro ng Singapore, na sa harap ng hamon ng paglaki ng agwat ng mga mayayaman at mahihirap na dulot ng globalisasyon ng kabuhayan, ibayo pang pauunlarin ng kanyang pamahalaan ang kabuhayan at ipagkakaloob ang hakbanging panggarantiya para bahaginan ng lahat ng mga mamamayan ang bunga ng pag-unlad ng bansa. Sinabi pa niya na ang saligang hakbangin ng kaniyang bansa sa pagharap sa nabanggit na hamon ay ibayo pang pagpapasulong ng kabuhayan at pagkakaloob ng mas maraming pagkakataon ng hanap-buhay.

       

Naganap noong Huwebes ng madaling araw ang malakas na lindol sa rehiyong pandagat sa dakong hilaga ng Isla ng Java ng Indonesiya, datapuwa't hindi itong nagdulot ng tsunami. Matinding pagkayanig ang nararamdaman sa mga purok sa paligid na kinabibilangan ng Jarkarta, kabisera ng Indonesiya.