• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-08-14 19:08:31    
Mga batang Tsino at dayuhan, nagpapalitan hinggil sa Olimpiyada

CRI

Upang pagsamahin ang mga kabataan ng Tsina at ang mga kabataan sa apat na sulok ng daigdig sa pamamagitan ng ideya ng Olimpiyada na pagkakaisa, pagkakaibigan at kapayapaan, pinili ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina at lupong tagapag-organisa ng Beijing Olympic Games ang mahigit 200 paaralan mula sa lahat ng mga mababa't mataas na paaralan sa Beijing para magkakahiwalay na iugnay ng naturang mga paaralan ang mga lupon ng Olimpiyada ng iba't ibang bansa at rehiyon sa daigdig at magkakahiwalay na itatag ang relsyong pangkaibigan sa isang paaralan sa naturang mga bansa at rehiyon.

Bilang isa sa mga nabanggit na paraalan sa Beijing, itinatag ng paaralan nina Zhang Le ang relasyong pangkaibigan sa D'albert High School sa Paris, at siya ay naging isa sa mga kinatawan ng kaniyang paaralan para dumalaw sa D'albert High School at sa paglalakbay na ito, isinabalikat nina Zhang Le ang tungkulin na ipakilala sa Pransya ang Tsina at Beijing Olympic Games. Sinabi niya na,

"May dala akong 5 Fuwa at Chinese Seal sa aking paglalakbay sa Pransya. Ipinagtataka kong alam na alam ng pamilyang nakatanggap sa akin ang pangalan ng mga Fuwa. Sinabi nila sa akin na sa kasalukuyan, ang mga Pranses ay nagbibigay ng malaking pansin sa Beijing Olympic Games at umaasa silang pupunta sa Beijing para manoond sa Olympic Games."

Sa kasalukyan, nag-eemail siya sa kaniyang mga kaibigan sa Pransya sa wikang Tsino at Ingles tuwing linggo, at ang pagpapaalam sa kanila ng ano pa mang bagay hinggil sa Olimpiyada ay naging mahalagang bahagi ng kanilang pagpapalitan. Ang ganitong pagpapalitan ay nagpasibol ng kanyang hangarin, sinabi niya na,

"Nais kong mamaster ang wikang-Pranses sa aking spare time at maging isang boluntaryo nang idaos ang Olimpiyada para magkaloob ng serbisyo sa mga manlalaro at manonood na Pranses para makadama silang namumuhay sa sariling bansa."