Dear Kuya Ramon,
Kumusta na kayo diyan sa Filipino Service? Medyo malakas ang signal these days kaya masarap makinig. Meron lang akong mensaheng gustong iparating sa inyo.
Huwag ninyong hayaang ma-miss namin ang Cooking Show. Ito ay tunay na programang pang-pamilya. Ito ay aid din kung ang munti mong negosyo ay may kinalaman sa mga lutong ulam. Ang asawa ko man na walang kaalam-alam sa pagluluto at walang kasing-tamad pagdating sa pangungusina ay nagmamalaki pa ngayon na eksperto raw (kuno) sa mga lutuing Tsino. Iba kasi ang mga luto ninyo diyan. Marami akong alam na Chinese delicacies pero ang mga ito ay yaong minana natin sa mga ninuno nating Tsino at nagkaroon na ng Filipino flavor.
Alam mo, ang programa ninyong Cooking Show ay nagpapaalala sa atin sa ating kinagisnang magandang relasyon sa mga Chinese. Sabi nga, ang pagkakaugnay natin ay nagsimula sa "tiyan"..
Sana madagdagan pa ninyo ang kaalaman namin sa Chinese cuisine.
More power. Ingat lang at huwag magkakasakit--at bawal magkasakit.
God bless.
Joyce Banal Linceo, Pandacan, Manila Philippines
|