Noong taong 2005, pinasimula ng pamahalaang Tsino ang proyekto ng pangangalaga sa Great Wall at ginawang halimbawa ang pangangalaga at pagkukumpuni ng Shanhaiguan pass.
Magkakasunod na namumuhunan ang Tsina ng halos 900 milyong yuan RMB para mapangalagaan at kumpunihin ang pader ng Shanhaiguan Great Wall at ito ang pinakamalaking pondo na namumuhunan ang Tsina sa pangangalaga sa cultural relics.
Nagsikap din ang pamahalaang lokal para mapanatili hangga't maaari ang mga kayamanan na naiwan ng mga ninuno. Iba sa pagdedebelop ng iba pang karaniwang lunsod, ang paggagalugad ng mga matandang bayang kultural ay dapat sumunod sa prinsipyong pangalagaan at patingkarain hangga't maaari ang kahalagahan ng mga matandang lunsod na kultural.
Para rito, inimbitahan ng pamahalaang lokal sina professor Ruan Yisan at Zhou Jian ng Shanghai Tongji University, gainer ng France Literature and Art Knight Medal na lumahok sa pagdesenyo at pagpapaplano ng old town. Pinagsama ang pinakabagong teorya ng pangangalaga sa cultural relics at ang karanasan ni Guo at itinakda nila ang tatlong plataporma ng pangangalaga at paggagalugad ng Shanhaiguan.
Sa plataporma, itinakda nito ang partikular na regulasyon sa kulay ng pintura sa templo, materyal na gamitin at iba pa. Ginawang paunang kondisyon ang pangangalaga at tumpak na paggagalugad. Sa darating na 3 o 5 taon, binabalak ng pamahalaan ng Shanhaiguan na magtayo ng shanhaiguan na maging museo ng Great Wall ng Tsina, at pinakamagaling lugar para pag-aralan ang kultura ng Great Wall.
Idaraos ang semifinal ng football ng Beijing Olympic Games sa taong 2008 sa lunsod ng Qinhuangdao na kinaroroonan ng Shanhaiguan. Upang salubungin ang libu-libong opisyal, manlalaro, reporter at turista, puspusang inilunsad ng pamhalaang lokal ang proyekto ng rekonstruksyon at pagkukumpuni ng bahagi ng Great Wall sa Shanhaiguan Pass. Sinabi ni miss wang na:
"Dapat tapusin ang buong proyekto ng rekonstruksyon ng 6000 metrong pader ng Great Wall bago ang 2008 Olympics. May balak kaming magpaputok ng kuwitis sa lugar ng Laolongtou. Tiyak na kahanga-hanga ang tanawin ng kuwitis na nasasalamin sa dagat."
|