Mga sangkap
500 gramo ng ibinabad na fish maw 50 gramo ng butse ng manok 15 gramo ng lutong hamon 25 gramo ng berdeng soya beans 10 gramo ng mga bahagi ng Spring onion 15 gramo ng shaoxing wine,Spring onion at ginger mixture 2.5 gramo ng asin 2 tasa ng sabaw ng manok 30 gramo ng cornstarch at water mixture 25 gramo ng taba ng manok 50 gramo ng mantika
Paraan ng pagluluto
Tinadtad niya iyong chicken breast, nilagyan ng puti ng itlog at sabaw ng manok bago niluto. Hihintayin ngayong lumapot iyan.
Hiniwa-hiwa ang ibinabad na fish maw tapos hinugasan sa maligamgam na tubig. Hiniwa ang lutong hamon bago pinira-piraso. Ininit ang berdeng soya beans sa kawa bago hinugasan sa malamig na tubig para mapanatili ang dating kulay.
Nag-init siya ng mantika sa kawa bago hinulog ang ilang bahagi ng spring onion. Hinalu-halo hanggang sa lumutang ang bango, tapos inalis sa kawa. Inilagay ngayon iyong sabaw ng manok sa kawa kasama ng asin at ng shaoxing wine, spring onion at ginger mixture at hiniwang fish maw. Pinakulo bago binawasan ang init tapos inilaga.
Kapag luto na, ilalagay ang lutong hamon at cornstarch and water mixture bago hahaluin. Ibubuhos ngayon ang nilugaw na manok bago hahaluin uli. Pagkulo ng nilugaw babawasan ang init bago ilalagay ang taba ng manok at hahaluin. Aalisin sa init para maiwasan ang residue, ilalagay sa soup bowl, lalagyan ng berdeng soya beans bago isisilbi.
|