Ang nakaraang ika-8 ng buwang ito ay ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng ASEAN o Association of Southeast Asian Nations. Kaugnay nito, kinapanayam kahapon ng aming reporter si Jaime Victor Ledda, minister and consul-general ng embahada ng Pilipinas sa Tsina at sa panayam na ito, inilahad ni Mr. Ledda ang palagay at paninindigan ng panig Pilipino hinggil sa sariling konstruksyon ng ASEAN, papel nito sa rehiyon, mga hamon nitong kinakaharap, relasyon nito sa Tsina at iba pa.
Unang una, ipinahayag ni Mr. Ledda ang kanyang pagmamalaki sa mga natamong progreso at tagumpay ng ASEAN nitong 40 taong nakalipas at ipinalalagay niyang nakapagbigay ang ASEAN ng malaking ambag sa kapayapaan, kaunlaran at kooperasyon ng rehiyon. Anya,
Nitong nakalipas na isang taon, nanungkulan ang Pilipinas bilang tagapangulong bansa ng ASEAN. Sa panahong iyon, iniharap ng Pilipinas ang ideya na itatag ang isang "caring and sharing community" ng ASEAN at ginawa nito ang mga konkretong pagsisikap para rito. Binanggit ni Mr. Ledda ang isang halimbawa hinggil dito.
Sa kasalukuyan, binabalangkas ang Karta ng ASEAN. Binigyan ng mataas na pagtasa ni Mr. Ledda ang dokumentong ito at ipinahayag niya na ito ay pangangailangan para sa pagpapatatag ng ASEAN ng sarili at pagharap nito sa bagong kalagayang pandaigdig. Sinabi niyang,
Hinati ni Mr. Ledda ang mga hamong kinakaharap ng ASEAN sa dalawang malaking uri: mula sa loob ng ASEAN at mula sa labas nito. Anya ang mga hamon mula sa loob ay kung papaanong koordinahin nang mas mabuti ang paninindigan ng mga kasaping bansa ng ASEAN sa mga mahalagang suliranin. Hinggil naman sa mga hamon mula sa labas, ipinaliwanag niya na,
Kaugnay ng relasyon ng ASEAN at Tsina, ipinahayag ni Mr. Ledda na ang relasyong ito ay isang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon na may mahabang kasaysayan at laging nagpapakita ng bagong bitalidad. Pinasalamatan din niya ang Tsina na laging nagbibigay ng pagkatig sa ASEAN. Anya,
|