• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-08-20 09:41:41    
Ang kuwento ng lupong tagapag-organisa ng Beijing Olympic Games

CRI

Kasunod ng papalapit na 2008 Beijing Olympic Games, bilang lupong tagapag-organisa sa ika-29 Olympic Games, ano ang kanilang kalagayan ng gawain at ano paghahanda ang ginawa nila para sa Olympiyada? Saartikulong ito, isasalaysay ang hinggil dito.

Ang lupong tagapg-organisa sa ika-29 Olympic Games ang naitayo noong ika-13 ng Disyembre ng taong 2001 at isinasabalikat nito ang mga gawain ng pag-oorganisa sa gawaing preparatoryo sa Beijing Olympic Games at Paralympic Games. Sa kasalukuyan, ang lupong ito ay may 24 na departamentong gaya ng departamento ng kalihim't adminstrasyon, departamento ng palikasan, departamento ng boluntaryo at iba pa. Kasunod ng komprehensibong pagsasagawa ng mga gawaing preparatoryo ng Beijing Olympic Games, patuloy na lalawak ang lupong ito.

Talos ng lahat, ang nukleo ng Olympiyada ay mga paligsahan at ang lahat ng mga serbisyo at garantiya ay isasagawa alinsunod sa competition schedule. Datapuwa't parang napakasimple ng schedule na ito, sa katunayan, napakasalimuot ng pagtatakda ng schedule na ito. Kauganay nito, isinlaysay ni Liu Wenbin, pangalawang puno ng depatamento ng palakasan ng lupong tagapag-organisa sa Beijing Olympic Games na:

"Ang unang bagay na nasa isip namin ay igarantiya ang mga manlalaro na lumikha ng pinakamagadang resulta. Ika-2, dapat lubos na pakinggan ang mga mungkahi ng iba't ibang may kinalamang panig na gaya ng mga International Sports Federations, TV Broadcasters at iba pa."

Kasunod ng pagdaragdag ng mga trabaho at nilalaman ng mga dapat paghandaan, walang humpay na lumalaki ang bilang mga tuahan sa lupong tagapag-organisa at marami sa kanila ang mga boluntaryo. Si Zhang Zhipeng ay isang karaniwang boluntaryong nagtatrabaho ngayon sa departamento ng boluntaryo ng lupong tagapag-organisa. Anya, ang maraming gawain ng lupong tagapag-organisa ay hindi maisasagawa kung walang paglahok ng mga boluntaryo. Ang kaniyang kasalukuyang tungkulin ang pagsagot sa consultation telephone hinggil sa mga suliranin ng boluntaryo at nakakaramdam siya ng kasiglahan ng mga boluntaryo mula sa gawaing ito, sinabi niyang:

"Di-makakalimutan ang bawat araw. Maging pumarito sa amin ang mga matatandang may 70 taong gulang para maging boluntaryo. Ipinalalagay kong ang kusong-loob na paglilingkod ay nakapagbibigay-kasiyahan sa diwa ng mga tao."