• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-08-21 10:25:07    
Agosto ika-13 hanggang ika-19

CRI

Kinapanayam noong Miyerkules ng mamamahayag ng serbisyo Filipino ng China Radio International si Jaime Victor Ledda, minister and consul-general ng embahada ng Pilipinas sa Tsina hinggil sa ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng Asean. Sa panayam, sinabi ni Ledda na ang kapayapaan, kaunlaran at kooperasyon ay komong hangarin ng mga kasaping bansa ng Asean at mga kapitbansa at dialogue partner nito. Anya, nitong nakalipas na 40 taon, ang organisasyong ito ay kinikilala sa buong daigdig bilang isang organisasyong nagsisikap para sa naturang mga hangarin. Pinasalamatan din niya ang Tsina na laging nagbibigay ng pagkatig sa ASEAN at nananalig anya siyang patuloy na kakatigan ng Tsina ang ASEAN sa iba't ibang larangan.

Idinaos noong Lunes sa Beijing ang resepsiyon na magkasanib na itinaguyod ng lupon ng ASEAN sa Beijing at China-ASEAN Association para ipagdiwang ang ika-40 anibersary ng pagkakatatag ng ASEAN. Dumalo sa resepsiyon si ministrong panlabas Yang Jiechi ng Tsina at ang mga embahador ng 10 bansang ASEAN sa Tsina. Sa kaniyang talumpati, lubos na pinapurihan ni Khek Sysoda, tagapangulo ng lupon ng ASEAN sa Beijing at embahador ng Cambodia sa Tsina, ang ginagawang mahalagang papel ng Tsina sa pagkatig sa pagtatatag ng komunidad at intergrasyong pangkabuhayan ng ASEAN. Sinabi ni Yang Jiechi na nitong 40 taong nakalipas, nakakapagpatingkad ang mga bansa ng ASEAN ng mahalaga at espesyal na papel sa pagpapasulong ng kapayapaan at katatagan, pag-unlad ng kabuhayan, pag-unlad ng lipunan at pagtutulungang panrehiyon. Ipinahayag din niya na kinakatigan ng Tsina ang pagpapatingkad ng ASEAN ng pangunahing papel sa pagpapalalim ng pagtutulungang panrehiyon.

Pormal na sinimulan noong Huwebes sa Beijing ang aktibidad ng pagpapalitan ng mga kabataan ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea o "10 plus 3". Lumahok sa aktibidad na ito ang mahigit 500 tao na kinabibilangan ng mga kabataang lider, manggagawa, mangangalakal, artista at college student mula sa mga bansa ng "10 plus 3" at mga opisyal ng sekretaryat ng ASEAN.

Idinaos noong Araw ng Linggo sa Manzhouli, isang lunsod sa rehiyong autonomo ng Inner Monggolia ng Tsina ang kauna-unahang "pulong ng mga batang lider ng Tsina at Asean" na itinaguyod ng All-China Youth Federation. Ang mahigit 300 kinatawan ng batang lider na mula sa 10 bansang Asean at Tsina ay nagkaroon ng diyalogo hinggil sa mga temang tulad ng "ang papel ng mga batang lider sa pag-unlad ng lipunan" na naglalayong pasulungin ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Asean sa hinaharap. Ayon pa sa ulat, kapwa kinakailangan ng Tsina at Asean ang pagsasagawa ng pagtutulungan sa mga larangang tulad ng employment, kalusugan, at edukasyon ng mga bata at iba pa. Ang naturang pulong ay magkakaloob ng pagkakataon para sa pag-aaral sa isa't isa ng mga batang kinatawan ng Tsina at iba't ibang bansang Asean.

       

Sa kanyang paglahok noong Lunes sa seremonya para sa ika-97 anibersaryo ng pagtatatag ng Thai Chinese Chamber of Commerce, sinabi ni Syrayud Chulanont, punong ministro ng Thailand na pinasulong ng kamarang ito ang pagpapalagayang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Thailand at Tsina. Ipinahayag din ni Syrayud na umaasa siyang patuloy na magbibigay ang naturang kamara ng mas maraming ambag para sa lipunan ng Thailand. Sinabi naman sa seremonya ni Boonsong Srifuengfung, presidente ng naturang kamara, na patuloy silang magsisikap para sa paglilingkod sa sirkulong komersyal at industriyal ng Tsina at Thailand at pagpapasulong ng pagpapalagayang pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa.