Dear Kuya Ramon,
Kumusta na kayong lahat diyan? Alam mo, natutuwa ang jowa ko sa Iyo. Kasi naririnig niya ang boses mo on-line at kung minsan sa SW. DX-er din siya mula pa noong una ko siyang makilala. Very friendly ka raw on and off the air. Itinatago niya ang mga sulat mo at idinidispley sa harap ng mesa ang mga souvenir item. Pag may bisita siya, ipinagmamalaki niya ang presents mo. Sinasabi niya na galing sa kaniyang kaibigang Pilipinong brodkaster ng China Radio Int't. Nagpadala rin siya ng sagot sa inyong contest (Sichuan-panda). Sana natanggap na ninyo.
Gandang-ganda kami sa inyong presentation lalo na iyong mga gawa mo kung Fridays at weekends. Ang husay mong pumili ng mga sulat at ang gaganda ng music selections mo sa Gabi ng Musika. Sabi ni jowa very professional ka raw.
Sana hindi ka magbago sa iyong mga listeners. Rest assured na we are always here for you.
Rachel Truitt Remaggen, Germany
|