• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-08-21 20:04:46    
Mga kinatawan sa ika-17 pambansang kongreso ng CPC, may malawakang pagkakatawan

CRI
Idaraos ang ika-17 pambansang kongreso ng Partido Komunista ng Tsina o CPC. Sa kasalukuyan, walang sagabal na natapos na ang paghalal ng mga kalahok na kinatawan sa kongresong ito at sa pamamagitan ng mahigpit na prosedyur, nahalal bilang kinatawan ang mahigit 2200 miyembro ng CPC mula sa iba't ibang sirkulo ng lipunan ng Tsina.

Si Chen Xueli ay isa sa naturang mahigit 2200 kinatawan. Si 56 na taong gulang na Chen ay chairman of board ng Weigao Group, isang pribadong bahay-kalakal sa Lalawigan ng Shandong sa silangang baybayin ng Tsina na may halos 300 milyong Dolyares na ari-arian. Kaugnay ng paghalal niya bilang kinatawan, sinabi ni Chen na,

"Nahalal sa kauna-unahang pagkakataon bilang kinatawan sa kongresong ito ang mga miyembro ng CPC mula sa mga bagong organisasyong pangkabuhayan at panlipunan. Sa palagay ko, ipinakikita nito ang pagpapahalaga ng partido sa mga orgnisasyong ito."

Ang mga bagong organisasyong pangkabuhayan at panlipunan na nabanggit ni Chen ay tumutukoy sa mga pribadong bahay-kalakal at mga di-pampamahalaang organisasyon. Kasunod ng walang humpay na paglalim ng reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina, lumitaw sa bansa ang iba't ibang uri ng mga interest group at ang naturang dalawang uri ng organisasyon ay mga kinatawan sa mga ito.

Sa mga kinatawan sa kasalukuyang kongreso, may 25 kinatawan mula sa naturang mga organisasyon. Ang paglitaw ng naturang 25 kinatawan ay buong pagkakaisang itinuturing ng opinyong publiko bilang isang malaking tampok sa kasalukuyang kongreso, dahil ang esensya nito ay pagpapalawak ng saklaw ng partido at pagkilala sa pagkakatawan ng mga komunista sa mga pribadong bahay-kalakal at organisasyong panlipunan.

Si Jin Muling, isang babaeng komunista mula sa isang liblib na nayon ng Lalawigan ng Yunnan sa timog kanlurang Tsina, ay isa ring kinatawan sa kasalukuyang kongreso. Nahalal siya bilang kinatawan dahil sa kanyang naiambag sa paglaban sa droga at pagpigil sa AIDS sa lokalidad. Ipinahayag ni Jin na bilang isang kinatawan ng pambansang minorya, dapat siyang magsabalikat ng mahalagang tungkulin sa kongresong ito. Anya,

"Hinding hindi ko bibiguin ang pag-asa ng mga mamamayang lokal at ihahayag ko ang kanilang mga hangarin at kahilingan sa kasalukuyang kongreso."

Napag-alamang bukod kay Jin, mahigit 28% kinatawan sa kasalukuyang kongreso ay mula sa kababa-babaang antas ng lipunan at ang proporsiyong ito ay mas malaki kaysa noong isang kongreso. Ipinalalagay ng mga eksperto na ang paglaki ng proporsiyon ng ganitong mga kinatawan ay ibayo pang nagpapakita ng malawakang pagkakatawan ng CPC, mas mainam na magpapahayag ng palagay at kahilingan ng mga kababa-babaang antas at miyembro ng partido at lubos na magpapakilos ng kanilang kasiglahan, inisyatiba at pagkamalikhain.

Kaugnay nito, ipinahayag ni Shen Yueyue, pirmihang pangalawang puno ng Organization Department ng Komite Sentral ng CPC, na,

"Ang mga kinatawan sa kasalukuyang kongreso ay galing sa iba't ibang sektor at sirkulo ng lipunan na kinabibilangan ng mga bagong organisasyong pangkabuhayan at panlipunan. Lumaki naman ang proporsiyon ng mga babae at etnikong kinatawan."

Ang pambansang kongreso ng CPC na idaos bawat limang taon ay pinakamahalagang aktibidad na pulitikal ng partido at bansa. Ang kasalukuyang kongreso naman ay isang mahalagang kongreso sa panahon ng pagpasok sa masusing yugto ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng bansa. Kaya, ang pagkahalal sa demokratikong paraan ng mga kinatawan na may malawakang pagkakatawan ay makakabuti sa pagpapahayag ng palagay at kahilingan ng mga mamamayan at pagtalakay at pagpapasiya ng mga mahalagang patakaran ng CPC.