• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-08-23 13:53:47    
Mainland, kinakatigan ang pagpasok sa pamilihan ng mga produktong agrikultural ng Taiwan

CRI
Ipinahayag ni Zhang Yongcheng, direktor-heneral ng peasant associations ng Taiwan na patataasin ng matagumpay na pagtataguyod ng tour exhibition na ito ang popularidad ng mga produktong agrikultural ng Taiwan sa Mainland.

"Sa pamamagitan ng naturang modelo, maliwanag na malalaman ng mga mamamayan ang magadang kalidad ng mga produktong agrikultural ng Taiwan at ang pagkakaiba nito sa mga produktong agrikultural na itinatanim sa mainland ng mga mangangalakal ng Taiwan. Umaasa kaming maipagpapatuloy ang naturang eksbisyon."

Sinabi ni Zhang na ang unti-unting pagsasakatuparan ng normalization ng pagbebenta ng produktong agrikultural ng Taiwan sa mainland ay isang direksyon ng pag-unlad na inaasahan ng maraming magsasaka ng Taiwan. Ipinalalagay niyang ang pagsasakatuparan ng direkdang paglalayag sa pagitan ng magkabilang pampang sa lalo madaling panahon, pagpapasulong ng deep-processing production, magkasamang pagtatatag ng network ng pagbebenta ng mga produktong agrikultural ng Taiwan sa mainland at iba pa ay pawang mga aktuwal na mungkahi.

Ipinahayag ng opisyal ng ministri ng agrikultura ng Tsina na ang Taiwan ay may mainam na binhi ng produktong agrikultural, sulong na teknolohiyang agrikultural at karanasan ng pansiyensiyang pamamahala; ang mainland ay may masaganang yamang natural, napakabuting imprastruktura, at matatag na makro-kapaligirang pangkabuhayan at ito anya ay puwersang tagapagpasulong ng pagpapalitan ng agrikultura ng magkabilang pampang at pundasyon ng kooperasyon. Ang pagpapalakas ng kooperasyong agrikultural ng magkabilang pampang ay makapagpasulong ng pagsasaayos ng magkabilang pampang ng estruktura ng agrikultura at bubuuin ang kalgayan ng win win situation.

Bilang tanging departemento na itinataguyod ang tour exhibition ng mga de-kalidad na produktong agrikultural ng Taiwan sa taong 2007, nitong ilang taong nakalipas, Export-Import Bank of China ay nagbibigay ng malaking ambag para pasulungin ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng magkabilang pampang. Nitong 2 taong nakalipas, aktibong ipinagkakaloob ng naturang bangko ang pagkatig sa capital leasing sa mga bahay-kalakal ng Taiwan sa mainland.

Ipinahayag ni Li Jun ng naturang bangko na sa hinaharap, patuloy na ipagkakaloob ng kanyang bangko ang serbisyo para sa mga bahay-kalakal at mangangalakal na Taiwanes sa kalakalan ng produktong agrikultutal.

"Patuloy na puspusang ipagkakaloob namin ang pagkatig na pinansyal sa mga organisasyong pangkabuhayan at pang-kooperasyon ng produktong agrikultural ng Taiwan, bahay-kalakal na agrikultural na may puhunan ng magkabilang pampang, at pamilihan ng kooperasyong pinansyal ng mga produtong agrikultural."

Tinukoy ng mga tauhan sa sektor na agrikultural ng magkabilang pampang na ang naturang tour eksbisyon ay isang mahalagang hakbangin para pasulungin ang pagbebenta ng mga produktong agrikultural ng Taiwan sa mainlaind at pagpapalawak ng epekto ng pamilihan. Ito ay maaaring lalo pang magpapasulong ng kooperasyon sa magkabilang pampang sa agrikultura.