Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa Dear Seksiyong Filipino 2007.
Ngayong gabi, bibigyang-daan natin ang mga tinig nina super-DJ Happy, Pomett Ann Sanchez at Minda Gertos.
May tugon ang ating super DJ sa remarks ng tagapakinig sa Germany na may kinalaman sa pagtutulungan ng Pilipinas at China sa larangan ng isports. Samantala, ito naman sina Pomett at Minda ay may ilang mungkahi kung paano pa magagawang mas epektibo at kaakit-akit ang mga programa naming Mag-aral Magsalita sa Wikang Tsino at Paglalakbay sa Tsina.
Kung naaalala pa ninyo, isang tagapakinig sa Germany ang nagsabi na kailangan ng Pilipinas at Tsina na magkaroon ng full cooperation sa palakasan. Parang ipinahihiwatig niya na hindi sapat ang ginagawang pagtutulungan ng dalawang panig sa area na ito. Bilang tugon, sinabi ni super-DJ Happy na:
Si Pomett Ann na nagtatrabaho bilang call center agent ay isa sa mga sumusubaybay sa aming programang Mag-aral Magsalita sa Wikang Tsino.
Hindi raw niya masundan nang mabuti ang mga aralin dahil siyempre kung minsan hihina-lalakas ang signal at mabilis ang takbo nito para sa kanya. Hinihiling niya na padalhan namin siya, at pati na rin ang ibang tagapakinig, ng libro ng mga araling isinasahimpapawid namin para magsilbing guide habang pinakikinggan niya ang tinig ng Chinese teacher.
Tinukoy naman ni Minda na malaki ang Tsina at mahaba ang kasaysayan nito kaya marami rin itong lugar na pangkasaysayan, pangkultura at panturista na hindi pa alam ng maraming tao. Sana raw dalasan namin ang pagtatampok sa mga lugar na ito sa aming mga programa.
Maraming salamat sa inyo, Happy, Pomett at Minda. Bago tayo dumako sa pagbabasa ng liham ng tagapakinig, tunghayan muna natin ang mga SMS ng ating textmates.
Mula sa 917 351 9951: "Take care sa inyong lahat sa Serbisyo Filipino!"
Mula sa 917 401 3194: "May you have more good programs to come!"
At mula sa 915 807 5559: "Sama-sama tayo sa Olympic countdown!"
Oras na naman para sa pagbabasa ng liham ng tagapakinig dito sa Dear Seksiyong Filipino. Ang liham na bibigyang-daan natin ngayong gabi ay padala ni Lagrimas Ramos ng Kowloon, Hong Kong. Sabi ng liham:
Dear Kuya Ramon,
Sorry about last time. Hindi nakumpleto pag-uusap natin sa phone. Mahirap talaga ang nagangamuhan. Laking pakikibagay ang ginagawa. Hindi ako puwedeng magtelebabad.
Mabuti meron kayong special edition ng Gabi ng Musika. Malaking tulong ito para maalis ang pagiging lonely ko. Alam mo na, malayo tayo sa ating loved ones. Masarap kasing makinig sa mga teksters at teks adiks. Nakakalibang din at nakakapulot din ako ng moral lessons sa kanilang mga pasa-messages.
Pag maagang natatapos trabaho namin, sini-surf ko ang internet para sa mga iba pa ninyong programa. Marami pala iyon at meron ding kopya ng recipes na ginagamit ninyo sa Cooking Show.
Salamt sa iyong malasakit sa aming lahat dito sa Kowloon. Okay naman kami pero mas lalo kaming okay kung lagi kang susulat sa amin.
Kapiling na namin gabi-gabi--sa totoo lang.
More power sa iyo at sa mga kasamahan mo sa CRI.
Take care lagi.
Lagrimas Ramos
Kowloon, Hong Kong
China
Maraming salamat, Lagrimas, sa iyong liham at sa iyong patuloy na pagsubaybay sa aming mga programa. Sana matutuhan din ng iba pa nating mga kababayan diyan sa Kowloon ang pakiklnig sa aming pagsasahimpapawid. Hayaan niyo't lagi ko kayong susulatan para hindi kayo malungkot. Thank you uli.
At hanggang diyan na lang ang oras natin para sa gabing ito. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Iton muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.
|