Sa lunsod ng Xuzhou ng lalawigang Jiangsu sa dakong silangan ng Tsina, may isang baldadong kabataang si Zheng Fusheng at siya ay naging baldado dahil sa sakit. Nitong ilang taong nakalipas, kasabay ng buong katamanang paglaban sa sakit, walang humpay na nagpupunyagi siya para makapag-ambag nang kawalang ng pag-iimbot sa lipunan.
38 taong gulang na nagayon si Zheng. Noong 1990, biglang siya kinapitan ng isang grabeng sakit na tiantawag "Ankylosing Spondylitis" na humantong sa pagbabago-anyo ng lahat ng kaniyang kasukasuan. Ang sakit na ito ay mahirap na mahirap na gamutin at tinatawag ng sirkulong medikal ng daigdig itong "Undying Cancer". Nawalan siya ng kakayahang pantrabaho at naging napakahirap sa mga pang-araw-araw na aktibidad. Nakaranas ng malaking pagbabago ang pamumuhay ni Zheng sa isang maikling panahon. Sinabi ni Zheng na noong panahong iyon, nakahiga siya sa kama buong magdamag at walang anumang pakikipag-ugnayan sa labas, napakababa ng kaniyang emosyon.
Si Zheng ay iisang anak ng kaniyang mga magulang. Nang mayroon siyang sakit, napakasama ng kalagayan ng kaniyang pamilya: walang trabaho ang kaniyang nanay at kareretiro ang kaniyang tatay. Ilang daan Yuan lamang ang kita ng buong pamilya bawat buwan. Nang sariwain ang kalagayan noong panahong iyon, sinabi ni Wu Xinhua, nanay ni Zheng na:
"Biglang nagkasakit siya at walang lunas sa sakit na ito. Ang pait talaga ng karanasan ko at parang nakatayo kami sa bingit ng bangin."
Mula panahong iyon, naging mas mabigat ang presyur ng mga magulang ni Zheng. Bukod sa gastos sa pang-araw-araw na pamumuhay ng buong pamilya, dapat hanapin ang pera para gamutin si Zheng. Nanag makitang abalang-abala ang kaniyang mga magulang bawat araw para sa kaniya, mapait ang damdamin ni Zheng. Sa isang aksidensiyal na pagkakataon, nagpadala siya ng isang liham sa local radio station para humingi ng tulong pagkaraang pakinggan ang programa nito. Nakatawag ang liham na ito ng malaking pansin ng lipunan. Pinuntahan ang kaniyang tahanan ng maraming tao para tulungan siya.
|