• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-08-28 19:55:22    
Agosto ika-20 hanggang ika-26

CRI
Mula noong Miyerkules, pinasimulan ni punong ministro Bouasone Bouphavanh ng Laos ang kanyang isang linggong pagdalaw sa Tsina.

       

Noong Huwebes, inihandog ni premyer Wen Jiabao ng Tsina ang seremonya bilang panalubong kay Bouasone at nag-usap ang dalawang panig. Sa pag-uusap, nagpalitan sila ng palagay hinggil sa pagpapalalim ng relasyon ng dalawang bansa at narating ang malawakang komong palagay. Pagkaraan ng pag-uusap, dumalo sila sa seremonya ng paglalagda sa mga kasunduang pangkooperasyon ng dalawang bansa hinggil sa kabuhayan, teknolohiya, sanitasyon ng hayop at halaman at kaligtasan ng pagkain.

       

Noong Biyernes, magkahiwalay na nakipagtagpo kay Bouasone sina pangulong Hu Jintao ng Tsina at tagapangulong Wu Bangguo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng bansa. Sa pagtatagpo, ipinahayag ni Hu na nakahanda ang Tsina, kasama ng panig Lao, na walang humpay na pasulungin ang pangkapitbansaang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng 2 bansa sa bagong antas. Anya, nitong nakalipas na ilang taon, mabunga ang pag-unlad ng relasyong Sino-Lao. Umaasa anya ang panig Tsino na puspusang mapapalakas ang kooperasyon ng kapuwa panig sa mga mahalagang larangang gaya ng kabuhayan, kalakalang panghanggahan, enerhiya, yamang mineral, imprastruktura, agrikultura at pagdedebelop ng yamang-tao, buong husay na maisasagawa ang mga malaking proyektong pangkooperasyon ng 2 panig, maiiugnay ang bilateral na kooperasyon at pagpapatupad ng sariling plano sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan at magkasamang makakalikha ng bagong kalagayan ng komprehensibong kooperasyon ng Tsina at Laos. Sinabi rin ni Wu na nakahanda ang panig Tsino, kasama ng panig Lao, na palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng mga pamahalaan, parliamento at partido ng 2 bansa, walang humpay na hanapin ang nakatagong lakas ng kanilang kooperasyon sa larangan ng kabuhayan, kalakalan, kultura at iba pa at palakasin ang pagkokoordina sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig. Ipinahayag naman ni Bouphavanh na patuloy at matatag na kakatigan ng kanyang pamahalaan at mga mamamayan ang dakilang usapin ng reunipikasyon ng Tsina at paninindigan ng panig Tsino sa mga isyu ng Tibet, karapatang pantao at iba pa. Winiwelkam anya ng panig Lao ang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal na Tsino sa Laos, at lilikha ng kondisyon at magkakaloob ng ginhawa ang pamahalaang Lao para rito.

Pagkaraan ng Beijing, dadalaw din si Bouasone sa mga lalawigan ng Liaoning, Hunan at Yunnan ng Tsina.

Ipinahayag noong Huwebes sa Beijing ni Li Changchun, pirmihang kagawad ng pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina na umaasang mapapalaki ang impluwensiya ng Asya sa buong daigdig sa pamamagitan ng pagsisikap ng pangunahing mass media ng 10 bansang Asean at Tsina, Hapon at Timog Korea. Winika ito ni Li sa kanyang pagkikipagtagpo sa kinatawan ng mga mass media ng 13 bansang Asyano na lumalahok sa Kuna-unahang simposyum ng kooperasyon ng mga mass media ng 10+3. Sinabi niyang may katuturan ang tema hinggil sa Olympic Games sa naturang simposyum, patuloy na palalakasin ng Tsina ang pakikipagkooperasyon sa pandaigdigang Lupong Tagapagorganisa ng Olympiyada, at buong lakas na kakatigan ang iba't ibang gawain ng paghahanda para sa Olympic Games para igarantiya ang matagumpay na pagdaraos ng Beijing Olympic Games.

Mula noong Sabado hanggang Araw ng Linggo, idinaos sa Manila, kabisera ng Pilipinas, ang ika-6 na pulong ng mga ministrong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Asean o "10 plus 1" at ika-10 pulong ng mga ministrong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Asean at Tsina, Hapon at Timog Korea o "10 plus 3", at dumalo sa pulong ang delegasyong Tsino na pinamumunuan ni ministro Bo Xilai ng Komersyo ng Tsina. Sa kanyang talumpati sa pulong ng mga ministrong pangkabuhayan at pangkalakalan ng "10 plus 1", tinukoy ni Bo na mahigpit ang kooperasyon ng Tsina at mga bansang Asean sa larangan ng kabuhayan at kalakalan at kapansin-pansin ang bunga. Noong nakaraang taon, ang halaga ng kanilang bilateral na kalakalan ay umabot sa 160.8 bilyong dolyares, ang kabuuang halaga ng pamumuhunan sa isa't isa ay umabot sa 45.4 bilyong dolyares. Sa kasalukuyan, sila ay naging ika-4 na pinakamalaking trade partner ng isa't isa. Sa pulong ng mga ministrong pangkabuhayan at pangkalakalan ng "10 plus 3", sinabi ni Bo na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalakalan nila ng mga miyembro ng 10+3, at nakahanda itong aktibong makilahok at magpasulong ng rehiyonal na kooperasyong pangkabuhayan ng silangang Asya para makapagbigay ng ambag para sa pag-unlad ng kabuhayang panrehiyon at komong kasaganaan ng iba't ibang bansa ng silangang Asya. Sa panahon ng pulong, magkakahiwalay na nakipagtagpo si Bo sa mga ministrong pangkabuhayan at pangkalakalan ng mga bansang tulad ng Pilipinas at Biyetnam.