• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-08-28 20:04:59    
Jampa Kelsang, taong nangangalaga sa kulturang Tibetano

CRI
Sa pangangalaga ng mga relikya, natamo ng Palasyong Potala ang pagtatanggap ng mga relikyang dalubhasa sa loob at labas ng Tsina. Halimbawa, ang Confucian classics ng pattra leaf ay isang uri ng Confucian classics na nakasulat sa pattra leaf at mahirap ang pangangalaga nito. Sinabi ni Jampa Kelsang na:

"Lubos na pinahahalagahan ng Palasyong Potala ang pangangalaga ng klasika ng pattra leaf at itinatag namin ang espesyal na tanggapan para rito. Nanggaling ito sa Indya ngunit wala ni isang pahina nito ang natuklasan doon. Ngunit dito sa amin, mabuti itong pinaserba. Kaya kung gusting pag-aralan ito ng mga Hapon at Indya, dapat dito nilang puntahan."

Kasabay ng pagkabuti ng imprastruktura ng Palasyong Potala, dumarami nang dumarami ang mga turista sa loob at labas ng Tsina, at ito ay nagsisilbing isang malaking hamon para sa gawain naming pangangalaga ng mga sinaunang relikya, upang harapin ang hamong ito, iminungkahi ni Jampa Kelsang na limitahan ang bilang ng mga bisita araw-araw.

"Sa katunayan, mula pa noong uno ng Mayo ng 2003, nagsimula na kami sa pagkontrol ng mga bilang ng mga bisita sa Palasyong Potala. Sa gayong paraan, hindi lamang maigarantiya ang kalidad ng pamamasyal ng mga bisita, kundi maiwasan ang paninira ng mga reliya bumod ng kayraming tao."

Si Jampa Kelsang ay isang mahusay na tagapangasiwa, kahit hindi siya isang edukado, may malakas na mamalayan ng responsibilidad sa kanyang trabaho. Sinabi niyang kahit ano ang gawain, ginagawa niya nang buong puso.

"Kahit hindi gaanong kataas ang edukasyon ko, may malakas na akong sense of responsibility. Nakasisiya na ako kung positibo ang susunod na henerasyon sa gawain ko dito sa Palasyong Potala."

Bagama't matanda na siya at magreretilo na sa malapit na hinaharap, patuloy na siyang nag-bibigay ng pansin sa mga bagay-bagay ng Palasyong Potala at gusto niyang patuloy na mag-ambag sa pangangalaga nito.