Salamat sa pagbibigay-tulong ng iba't ibang sirkulo ng lipunan, bumuti nang malaki ang kalagayang pangkalusugan ni Zheng. Ngunit, muling naging mabigat ang kaniyang damdamin, dahil isinasalang-alang niya ngayon na dapat umaksyon siya para bayaran ang pagkamahal na natanggap niya mula sa lipunan. Sinabi niyang:
"Reseprokal ang pagmamahal. Nang bigayan kayo ng pagmamahal ng iba, dapat siya bayaran ng gayong pagmamahal mo. Sa gayong paraan lamang, saka mapapataas ang ganitong mahal sa isang bagong antas."
Ang ika-20 ng April ng taong 1997 ay kaarawan ni Zheng. Sa araw na iyan, naitayo ni Zheng ang isang sentro ng serbisyo ng boluntaryo. Ilang taon na ang nakalipas, nangalap si Zheng at mga kasamahan niya ng mahigit 400 libong Yuan RMB para sa maraming may sakit at may kapansanan. Si Juanzi ay isa sa kanila. Kinapatan siya ng leukaemia nang siya'y 12 taong gulang. Nang malaman ni Zheng ang kuwento niya, bukod sa pagbibigay ng tulong-pinansiyal, maging pumunta sa ospital si Zheng at mga boluntaryo para asikasuhin si Juanzi. Kugnay nito, sinabi ni Juanzi na:
"Datapuwa't kami'y pinaghihiwalay ng tirahan, walang agwat sa pagitan ng aming puso. Dapat magpakatatag ako at lumisan ng transplant room na tulad ng isang mahusay na tao."
|