Ang 65 taong gulang na si Jampa Kelsang ay isang bantog na Tibetanong dalubhasang nangangalaga sa kultura ng bayang Tibetano. Nagtatrabaho siya nang 19 taon bilang puno ng Dibisyon ng pangangasiwa sa Palasyong Potala ng Tibet at nagbigay ng mahalagang ambag sa pangangalaga ng kaban-yamang pangkulturang ito.
Hindi pa natatagalan pagkaraang isinilang si Jampa Kelsang, namatay ang kanyang mga magulang, at inampon siya ng kanyang tiyo. Hindi nakatanggap siyang sistematikong edukasyon sa paaralan dahil sa iba't ibang dahilan at ito ay nagi kalungkutan sa kanyang buong buhay. Ngunit, masikap siya.
Naging isang projectionist nang 16 na taong gulang pa siya at nagpalabas siya ng mga pelikula nang 30 taon para sa mga magsasaka at pastol sa iba't ibang rehiyon. Ang kanyang 30 taong karanasan bilang isang projectionist ay hindi lamang nagpalawak ng kamulatan ng mga magsasaka at pastol at kundi tumulong kay Jampa Kelsang sarili na madular na nagsasalita ng Mandarin.
Noong 1988, luminsan siya ng kanyang projection team. Sa susunod na taon, kinumpuni ng pamahalaang Tsino ang Palasyong Potala. Lumahok siya sa trabahong ito. Maganda ang kanyang performance at trabaho at ilang ulit na siya'y pinurihan. At siya'y ihinirang na puno ng dibesyon ng pangangasiwa at nagsimula ng kanyang 19 na taong mapagmalaki at nababahalang pamumuhay.
Nagmamalaki siya dahil ang Palasyong Potala ay nakasakop ng banal na posisyon sa isip ng mga mamamayan, napakahalaga ng mga relikya dito at napakaluwalhati ng pangangasiwa nito. May kinakabahan siya dahil napakahalaga ng kanyang trabaho dito, dapat magi itong napakaingat at eksakto. Pinatutunayan ng kanyang mahigit na 10 taong trabaho na mahusay ang kanyang trabaho.
Sa kanyang termino, nangulo siya sa mga gawaing tulad ng pag pagbilang ng mga relikya at pagpapatala ng mga ito, at sa isang panahon'y nilinaw nila kung gaanong karami ang inilalayo sa Palasyong Potala. Inisip din niya ang mga paraan para mangalaga sa fresco, doktrina at dingding upang maiwasan ang paninirang dulot ng madalas na paghipo ng mga turista.
|