Mga Sangkap
1 dilaw na isdang croacker (tumitimbang ng 750 gramo) 150 gramo ng tomato sauce 500 gramo ng langis na panluto (o mantika) 50 gramo ng suka 150 gramo ng asukal 6 na gramo ng asin 2 gramo ng dinikdik na bawang 2 gramo ng vetsin 100 gramo ng tubig 150 gramo ng cornstarch 50 gramo ng mixture ng cornstarch at tubig 25 gramo ng rice wine
Paraan ng pagluluto
Linisin ang isda at sa magkabilang tagiliran lagyan ng apat na pahalang na hiwa. Ibabad ang isda sa apat na gramo ng asin at rice wine sa loob ng 15 minuto. Pahiran ng tuyong cornstarch ang magkabilang tagiliran at pagkatapos iwagwag ang mga labis na cornstarch na hindi kumapit sa isda.
Mag-init ng langis na panluto o mantika sa kawa mula sa 180 hanggang 200 digri sentigrado. Palanguyin sa mantika hanggang maging golden brown. Alisin at salain.
Mag-iwan ng 10 gramo ng mantika sa kawa, painitin, at pagkatapos ihulog ang dinikdik na bawang.Hintayin hanggang lumutang ang bango. Ilagay ang tomato sauce, asukal, 2 gramo ng asin, vetsin, tubig at suka.
Isunod ang mixture ng cornstarch at tubig para lumapot ang sauce. Ilagay ang isda sa plato at ibuhos ang sauce sa isda. Isilbi.
|