Ang quadrangle, o Si He Yuan sa wikang Tsino, ay isang katangi-tanging paraan ng pagtira sa Beijing. Ang "Si" ay tumutukoy sa 4 na direksyon--silangan, kanluran, timog at hilaga. Ang "He" ay nangangahulugang bakuran ang mga bahay sa 4 na direksyon para bumuo ng isang parisukat.
Aanyayahan ko kayong bumisita sa isang may katangiang hotel ng quadrangle sa Beijing para maramdaman ang kaakit-akit na quadrangle ng Beijing.
Ang Lvsongyuan Hotel na nasa sona ng pangangalaga sa kasaysayan at kultura ng lumang lunsod ng Beijing ay isang klasikal at tradisyonal na quadrangle.
Isinalaysay ni Ginoong Wei Jinyuan, direktor ng hotel na ito, na mahaba ang kasaysayan ng courtyard na ito, at preserbado itong mabuti. Ang quadrangle na ito ay dating palasyo ng isang prinsipe ng Dinastiyang Qing ng Tsina. Sinabi niya na:
"Hanggang sa kasalukuyan, may 150 taong kasaysayan ang quadrangle na ito, sumaklaw ito ng 2400 metro kuwadrado at may halos 60 silid lahat-lahat. Mga muwebles, kultura, kasuutan, pagkain dito ay may estilo ng lumang Beijing. Ang mga panauhin ay galing sa, pangunahin na, Europa at Estados Unidos, bumisita dito sila para hanapin ang hinggil sa kultura ng Beijing at Tsina."
Isinalaysay din ni Ginoong Wei na ang hotel na ito ay hindi lamang ganap na pinepreserba ang katangiang arkitektural ng tradisyonal na quadrangle, kundi magkakaiba rin ang mga kagamitan sa iba't ibang silid.
Nagsusuot ang mga kawani doon ng kasuutan ng lumang Beijing noong unang dako ng ika-20 siglo. Magiliw na kinausap nila ang mga panauhin at nag-aanyaya sa kanila na tumikim ang mga popular na pagkain ng lumang Beijing.
Sa kahilingan ng mga panauhin, sumama ang mga kawani sa mga panauhin sa pamamasyal sa mga "Hutong" o tradisyonal na eskinita ng Beijing, at ipakilala sa mga kaibigang dayuhan ang kuwento ng lumang Beijing.
|