• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-09-03 10:22:01    
Agosto ika-27 hanggang Setyembre ika-2

CRI
Ipinahayag noong Huwebes sa Beijing ni Wang Xinpei, tagapagsalita ng ministri ng komersyo ng Tsina na sinang-ayunan ng Tsina at ASEAN na aktibong pasulungin ang proseso ng talastasan hinggil sa CAFTA o malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN para maitatag ang sonang ito sa 2010 alinsunod sa iskedyul. Sinabi ni Wang na sa kasalukuyan, itinatag na ng 2 panig ang working group sa kooperasyong pangkabuhayan ng CAFTA at gagamitin ng panig Tsino ang pondo ng kooperasyong Sino-ASEAN para magkaloob ng pagkatig dito. Sinang-ayunan din ng 2 panig na pasulungin ang mekanismo ng pagsasanggunian hinggil sa tatlong memorandum sa inspeksyon't kuwarentenas, karapatan sa pagmamay-ari sa mga likhang-isip at pagtatatag ng sentro ng pagpapasulong sa kalakalan, pamumuhunan at turismo para malagdaan tatlong memorandum na ito sa summit ng Tsina at ASEAN na idaraos sa Oktubre ng taong ito. Isinalaysay din ni Wang na patuloy na kakatigan at magkasamang itataguyod ng 2 panig ang China-ASEAN Expo at palalakasin ang kooperasyon sa aspekto ng kalidad ng produkto at kaligtasan ng pagkain.

Nagdaos noong Biyernes ng resepsyon sa Beijing ang embahada ng Biyetnam sa Tsina bilang pagdiriwang sa ika-62 pambansang araw ng Biyetnam. Ipinahayag sa resepsyon ni Tran Van Luat, embahador ng Biyetnam sa Tsina, na pinasasalamatan ng kanyang bansa ang pagsuporta at pagtulong na ibinigay ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino at mga mapangkaibigang tauhan ng daigdig. Lumahok sa resepsyong ito ang mga opisyal at personahe ng iba't ibang sirkulo ng Tsina at Biyetnam na kinabibilangan ni Cui Tiankai, asistenteng ministrong panlabas ng Tsina at mga diplomata ng iba pang bansa sa Tsina at mga kinatawan ng mga organisasyong pandaigdig.

Sa lalawigang Yunnan sa dakong timog-kanluran ng Tsina, sinimulang tanggapin noong Lunes ng 20 opisyal galing sa departamentong pangkabuhayan ng pamahalaan ng Laos ang pagsasanay hinggil sa pagtatakda at pagpapatupad ng plano sa pagpapaunlad ng kabuhayan.

Nilagdaan noong isang linggo ng Dalian Commodity Exchange sa hilagang Tsina at Agricultural Futures Exchange ng Thailand ang memorandum of understanding hinggil sa kooperasyon na naglalayon sa pamamagitan ng kanilang kooperasyon, magkasanib na pasulungin ang pamilihan at mas mabuting maglingkod sa pag-unlad at kooperasyon ng kabuhayan at kalakalan ng dalawang bansa.

Ipinatalastas noong Lunes sa Beijing ng International Enterprise Singapore na pormal na binuksan ng BUYSingapore, isang kilalang website sa Asya, ang Chinese version website nito para pasimulan ang pagkaloob ng B2B trade suppliers service sa mga bahay-kalakal na Tsino.

Napag-alaman noong Huwebes ng mamamahayag mula sa may kinalamang panig ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi sa timog kanlurang Tsina na aangkatin ng mga power station sa rehiyong awtonomong ito ang karbon mula sa mga bansang ASEAN na gaya ng Biyetnam at Indonesya para makalikha ng koryente. Ang aangkating mga karbong ito ay gagamitin ng dalawang power station sa Fangchenggang at Chongzuo ng Guangxi at ang bahagi ng kanilang nilikhang koryente ay ihahatid sa Biyetnam. Ipinahayag ng may kinalamang tauhan ng Guangxi na ang naturang dalawang kooperasyon sa proyektong pang-enerhiya ay nagpalawak ng larangan ng kooperasyong industriyal ng Guangxi at ilang bansang ASEAN sa baybayin ng Beibu Gulf.