• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-09-04 11:07:35    
Isang magaling na mang-aawit sa mundo mula sa kanayunan ng Tsina

CRI
Di malirip ng karaniwang tao ang pagsusumikap na ginawa ni Liao Changyong sa kanyang pagtahak sa baku-bakong landas ng sining.

Nanguna siya sa buong klase nang tinapos niya ang pag-aaral noong 1993. Mula 1996 hanggang 1997, nanguna siya sa tatlong paligsahang pandaigdig na magkasunod na idinaos sa loob ng isang taon: ang 41 French International Toulouse Singing Competition, ang Placido Domingo Opera Competition the World at ang Norway Queen Songja International Music Competition. Ang pangyayring ito'y yumanig sa larangan ng musika sa daigdig.

Noong 2001, naging bida si Liao Changyong sa Operang "Il Trovatore" na katha ni Giuseppe Verdi at si Placido Domingo ang naging conductor. Ginanap iyon sa Washington Opera House. Gumimbal ang pagtatanghal sa sirkulo ng musika.

Ganito ang comment ng mass medea sa lokalidad: "Sa lugar na itong pinag-uumpukan ng mga magagaling na mang-aawit sa mundo. May isang kumikislap na bituwin, yaon ay ang artistang nagmula sa Tsina, si Liao Changyong."

Nakaabot sa iba't ibang sulok ng mundo ang pagtatanghal ni Liao Changyong. Matagumpay na nakipagkooperasyon siya sa mahigit 10 bantog na symphony orchestra sa daigdig at kina Placido Domingo at Jose Carreras at iba pang great master sa opera sa pagtatanghal sa mahigit 10 opera at concert.