• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-09-05 19:44:58    
Ang sikat na mangangantang si Liao Changyong

CRI

Isa sa mga magagaling na tenor si Liao Changyong at isa rin sa ilang mang-aawit na Asyanong masiglang-masigla sa mga tanghalan ng opera sa daigdig.. Si Liao Changyong, na isang kabataang nagmula sa kanayunan ng Tsina ay naging isang mang-aawit na kilala sa daigdig. Talagang maalamat ang kanyang karanasan.

Narito ang isang bahagi ng bantog na operang Italyano na may pamagat na "Ang Barbero ng Seville" na kinanta ng kabataang mang-aawit na si Liao Changyong. Napakaganda ang kanyang pagkanta.

Si Liao Changyong ay isinilang noong 1968 sa isang pamilya ng magsasaka sa lalawigang Sichuan sa timog kanluran ng Tsina. Bata pa'y naulila na siya sa ama. Ang kanyang tatlong ate ang tumustos sa kanyang pag-aaral. Minsan, isang araw, napukaw ang kanyang damdamin nang marinig niya ang awiting nagmula sa loudspeaker sa kanilang nayon. Anya,

"Nagmula ako sa isang pamilya sa kanayunan, walang kaugnayan sa musika. Sa panahong iyon, abalang-abala ang lahat sa pag-aalala sa kani-kanilang pagkain at pananamit. Kailanman ay hindi ko naisip na maging isang musikero."

Taglay ang minimithing pangarap, sa gulang na l9 na taon, nakapasa siya sa pagsusulit sa Shanghai Music Institute. Para sa isang kabataang ipinanganak sa kanayunan, ang naranasan niya sa unang pagtahak sa bulwagan ng sining ay talagang nakakintal sa kaibuturan ng kanyang puso. Anya:

"Nang pumasok ako sa music institute, ang pakiramdam ko noon ay isa akong di-biro-birong tao pero nang mabatid kong kulelat pala ako sa mga estudyanteng nakapasa. Talagang nanlupaypay ang pakiramdam ko. Kay lungkot talaga iyon para sa akin."