Kapansin-pansin din ang pagbalangkas ng Asean Charter. Kaugnay nito, sinabi ng embahador ng Kambodya na si G. Khek Caimealy Sysoda, na:
"Sa susunod na Nobyembre sa ika-13 Asean Summit sa Singapore, tatalakayin ng mga lalahok ang hinggil sa Asean Charter at lalagda rin sila rito. Sa pagpapatupad ng Asean Charter, ang Asean ay magiging isang samahang may sinusunod na Constitution at By-laws. Salamat dito, magkakaroon ang mga kasapi ng higit pang mabisang kalutasan sa kanilang kinakaharap na hamon."
Kasabay ng pagbilis ng integrasyon ng Asean sa larangan ng seguridad, kabuhayan at lipunan at kultura bilang isang organisasyong panrehiyon, nagiging aktibo rin ito sa pakikipagpalitan sa iba't ibang panig sa labas ng rehiyon.
Sa ilalim ng mekanismo ng 10+1, 10+3, ARF at East Asia Summit, buong-higpit na nakikipag-ugnayan ng mga bansang Asean sa mga impluwensyal na bansang dayuhan sa Asiya-Pasipiko, Europa at Oceania. Tungkol dito, ganito ang tinuran ni U Thein lwin, Embahador mula sa Myanmar, na:
"Batay sa mungkahi ng Asean, naitatag ang Asean Regional Forum na siyang tanging porum na panseguridad sa rehiyong Asya-Pasipiko. Itinatadhana naman ng Tratado ng Pagkaibigan at Pagtutulungan o TAC ng Asean ang prinsipyo ng mapayapang pakikipamuhayan, saligang prinsipyo ng ugnayang pandaigdig."
Ang Tsina ang kauna-unahang bansa sa labas ng Asean na sumapi sa TAC. Sapul nang itatag ng dalawang panig ang dialogue partnership noong taong 1991, walang humpay nang sumusulong ang relasyong Sino-Asean sa iba't ibang larangan at nagkakatigan din ang magkabilang panig sa arenang panrehiyon at pandaigdig. Kaugnay nito, sinabi ni Nguyen Van Dong, Consul-General ng Biyetnam, na:
"Tulad ng alam ng lahat, sa taong 2010, itatatag ng Tsina at 6 na kasapi ng Asean na kinabibilangan ng Pilipinas, Malaysiya, Thailand, Indonesiya, Singapore at Brunei ang malayang sonang pangkalakalan at sa 2015 naman, itatatag ng Tsina at iba pang apat na kasaping Asean na kinabibilangan ng Biyetnam, Laos, Kambodya at Myanmar ang katulad na sona. Kung maisasakatuparan ang nasabing pakay, magsisilbi itong pinakamalaking free trade area sa daigdig. May 2 bilyong populasyon at 2.5 trilyong dolyares na GDP ang FTA na ito."
|