Mula noong Huwebes hanggang Araw ng Linggo, isinagawa ni Jiang Zhenghua, pangalawang tagapangulo ng pirmihang lupon ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC ng Tsina, ang dalaw na pangkaibigan sa Pilipinas. Sa panahon ng pagdalaw, kinatagpo si Jiang nina Executive Secretary Eduardo Ermita, pangalawang pangulong Noli De Castro, ispiker Jose De Venecia ng mababang kapulungan at pangulong Manuel Villar ng mataas na kapulungan ng Pilipinas. Sa mga pagtatagpo, lubos na pinahahalagahan ni Jiang ang kooperasyong pangkaibigan ng Tsina at Pilipinas sa iba't ibang larangan at ipinahayag niyang ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa ay hindi lamang makakabuti sa kanilang pag-unlad, kundi rin magbibigay ng ambag sa kabuhayan ng rehiyon.
Ipinahayag noong Martes sa Beijing ni He Guoqiang, kagawad ng Politburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, na dapat magkasamang magsikap sila ng Biyetnam para walang humpay na mapataas ang kanilang relasyon sa bagong antas. Sa kaniyang pakikipagtagpo sa kanyang counterpart na si Truong Tan Sang ng Biyetnam, sinabi ni He na nagkaroon ng dalawang partido ng malalim at tradisyonal na pagkakaibigan at malawak na komong interes, sa kasalukuyan, pumapasok ang mga usapin ng reporma at pagbubuaks sa labas ng dalawang bansa sa mahalagang panahon at kinakaharap nila ang mga bagong pagkakataon at hamon, kaya kailangan silang mag-aral sa isa't isa at magpalalim ng pagtutulungan at magkasamang magsikap para walang humpay na mapataas ang kanilang komprehensibong relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon sa bagong antas. Sinabi naman ni Truong Tan Sang na sa kurso ng pag-unlad, lubos na pinahahalagahan ng kaniyang bansa ang pananaliksik at pag-aaral ng mahalagang karanasan ng Tsina.
Ipinahayag noong Miyerkules sa Beijing ni Wang Zhaoguo, Pangalawang Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), na hinahangaan ng panig Tsino ang pananangan ng Indonesia sa patakarang isang Tsina, at umaasa siyang patuloy na kakatigan ng mga kaibigang Indones ang dakilang usapin ng mapayapang unipikasyon ng Tsina. Sa kanyang pakikipagtagpo kay Hidayat Nur Wahid, dumadalaw na Tagapangulo ng Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Indones--Kataas-taasang organong pangkapangyarihan ng Indonesia, ipinahayag ni Wang na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pag-unlad ng estratehikong partnership ng dalawang bansa. Nitong ilang taong nakalipas, madalas ang pagdadalawan ng mga lider ng dalawang bansa sa mataas na antas, at walang humpay na lumalalim ang kanilang pagtitiwalaang pulitikal, at walang humpay na umuunlad ang kanilang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba't ibang larangang kinabibilangan ng kabuhayan at kalakalan, seguridad at iba pa. Inulit naman ni Hidayat Nur Wahid na mananangan ang kanyang bansa sa patakarang isang Tsina.
Pormal na sinimulan noong Huwebes sa Nanning, lunsod sa dakong timog kanluran ng Tsina ang "Focusing on Guangxi, Beibu Gulf", magkasanib na panayam ng international radio at TV. Ang aktibidad na ito ay naglalayong ibayo pang pasulungin ang pagtatatag ng bagong kayarian ng kooperasyong pangkabuhayan sa rehiyong Sino-Asean at pasulungin ang kooperasyong pangkabuhayan sa Pan Beibu Gulf. Ang mga kalahok na mamamahayag ay galing sa mga pambansang TV station, radio station o pangunahin mass media ng TV at radio mula sa Tsina at 9 na bansang Asean na kinabibilangan ng Kombodya, Indonesya, Laos, Malaysia, Myanmar, Pilipinas, Singapore, Thailand at Biyetnam.
Ipinadala noong Araw ng Linggo ng Ocean Fishery Group ng Lalawigang Fujian ng Tsina ang 21 ocean-going fishing vessels patungong Indonesya para sa pangingisda. Ito ang kauna-unahang pangkat ng mga bangka sa pangingisda na ipinadala ng Tsina sa Indonesya sa ilalim ng kanilang ikalawang round ng kooperasyon sa pangingisda. Batay sa naturang kooperasyon, itinatag noong Oktubre ng nagdaang taon ng naturang fishery group ng Tsina at Artha Graha Group ng Indonesya ang isang joint venture na may 20 milyong Dolyares na pamumuhunan mula sa kapwa panig. Sinimulan din nila ang pagtatatag ng isang ocean fishery base sa Indonesya at pagbuo ng isang fishing fleet na may 300 bangka sa pangingisda.
|