• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-09-11 19:28:41    
Aktibidad ng "magkabit-kamay" para sa mga naiwang bata sa nayon

CRI

Kasunod ng pagsagawa ng nabanggit na aktibidad, nahubog nito ang ugali ng mga magsasakang Tsino sa pagbasa at pag-aaral, yumaman ang mga ito sa pamamagitan ng paggamit ng kaalaman ng mga libro.

Natamo ng nabanggit na aktibidad ang mabuting bunga at nang sa gayo'y humantong ito ng malaking pansin ng departamento ng pamahalaan. Noong taong 2006, pinasimulan ng GAPP ang isang planong itayo ang 200 libong reading room sa loob ng darating na 5 taon sa kanayunan sa buong bansa.

Inilahad ni Fan Weiping, isang opisiyal ng General Administration of Press ang Publication o GAPP ng Tsina, na,

"Ang lahat ng libro sa mga reading room ay labis na kinakailangan ng mga magsasaka at kabilang sa mga aklat na ito ay ang aklat na hinggil sa patakaran ng partido, batas, at hinggil sa kultura, teknolohiya at siyensiya."

Nitong ilang taong nakalipas, kasunod ng mabilis na pag-unlad ng mga lunsod ng Tsina, dumarami nang dumaraming magsasaka ang pumunta sa lunsod para sa paghahanap-buhay at ang mga anak nila ay naiwan sa nayon kasama ng kanilang lolo at lola.

Alang-alang sa edukasyon at kapaligiran ng pagkalaki ng naturang mga bata, nitong ilang taong nakalipas, ang mga may kinalamang departamento at organisasyon ay nagdaos ng "summer camp" para sa mga bata sa kanayunan. Si Lu Qin ay isang bantog na dalubhasa sa isyu ng mga bata, sinabi niya na,

"Ang tema ng aktibidad noong nangakaraang taon ay para lamang pagpapalitan ng mga bata sa nayon at lunsod at nitong dalawang taong nakalipas, dinagdagan naming ang bagong nilalaman sa ganitong pagpapalitan: ang diin naming ngayon ay ibinigay sa' yaong mga naiwan sa kanayunan na mga bata at isinasaalang-alang namin ang kung papaanong mas mabisang tutulungan sila."