• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-09-13 20:20:52    
Ugnayang Sino-Pilipino, sa mata ng isang mamamahayag na Pilipino

CRI
Sa paanyaya ng pamahalaan ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, isang delegasyon na binubuo ng mahigit 100 mamamahayag mula sa loob at labas ng Tsina ang nagtungo sa lalawigan para bumisita at magsagawa ng coverage. Halos kalahati ng bilang na ito ay galing sa iba't ibang bansang Asean--kasama na ang Pilipinas. Ang narinig ninyong boses ay mula sa isa sa mga kinatawang Pilipino na kalahok sa grupo ng bumibisitang mga mamamahayag.

Kung Guangxi ang pag-uusapan, natitiyak kong hindi na ito bago sa inyong pandinig dahil itong lalawigang ito ang pinagdarausan ng taunang China-Asean Expo. At dahil sa ekspong ito, ang lalawigan ay maraming nasaksihang seremonya ng paglalagda ng kasunduang pangkooperasyon sa pagitan ng Tsina't mga bansang Asean--pampamahalaan man o di-pampamahalaan. Marami rin itong nasaksihang natapos o papatapos na proyekto bilang pagpapatupad sa mga kasunduan. Sa tingin ko, may narinig o nabasa na kayong ulat hinggil dito.

Ayon sa panig ng Guangxi, ang nasabing paglalakbay ay isa pa ring aktibidad na naglalayong pahigpitin ang pag-uunawaan ng mga mamamayan ng Tsina at Asean at palawakin ang kanilang pagtutulungan. Pero, ano ang itsura ng Guangxi at ugnayang Sino-Pilipino sa mata ng isang mamamahayag na Pilipino? Tingnan natin ang voice clip ng ginawa kong phone-interview.