• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-09-14 19:34:54    
Made in China Products, Binabalik-Balikan ng Masang Mamimiling Pilipino

CRI
Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa Dear Seksiyong Filipino 2007.

Nitong huling hati ng nagdaang buwan, may lumabas na isyu sa internet at maging sa radyo at telebisyon, national at international, hinggil sa umano'y kalidad ng mga produktong made in China. Marami ang nagtataka kung bakit ngayon lang lumabas ang isyung ito samantalang matagal nang nabibili sa mga pamilihan sa Pilipinas at ibang bansa ang mga produktong gawa sa China. Wala namang maiturong dahilan ang mga bumabatikos liban sa mangilan-ngilang isolated cases na hindi naman sapat para gumawa ng general conclusion.

May mga itinuturong dahilan ang ilang tagapakinig hinggil sa pambabatikos na ito at itong mga tagapakinig ring ito na may aktuwal na karanasan (take note: aktuwal na karanasan) sa mga produktong made in China ang makapagsasabing kabaligtaran ng mga sinasabi ng mga kritiko ang kanilang karanasan.

Sabi ni Pomett Ann Sanchez, call center agent na mahilig bumili ng made in China products, na sa kalakaran ngayon sa mundo ng pagpapalitan ng paninda, ang tunguhin ay iyong tinatawag na trade globalization. Anya, dahil sa trade globalization na ito, medyo lumuwag ang pagpapapasok ng mga bansa ng mga produkto mula sa labas. Pero kung ikaw anya ay isang exporter, dapat highly competitive ang mga produkto mo para matapatan mo ang iba pang exporters. Ang China anya ay matagumpay sa parteng ito at ito ang nakikita niyang isang dahilan kung bakit pinupukol ng pagpuna ang mga produkto ng China.

"Siguro may mga naninira lang sa mga Chinese products dahil very competitive mga ito sa global market at mahusay ang mga Chinese companies sa mass production. Nasasapawan kasi ng Chinese products ang mga gawa sa ibang bansa. Dapat lahat ng bansa ay matutong makipag-compete sa open market lalo na ngayon na ang trend ay globalization ng trade. Matagal na ring maraming itinitindang Chinese products dito sa Pinas bakit ngayon lang sila nagsasalita ng kung anu-ano? Karamihan sa mga itinuturo nilang defective products ay hindi legitimate Chinese products iyon. At ang isang point ko pa, ang mga isyu tungkol sa trade ay hindi dapat magkaroon ng effect sa pangkalahatang relation ng mga bansa."

Isang tagapakinig naman ang hindi lamang makaranasan sa paggamit ng mga produktong gawa sa China kundi maging sa pagbebenta ng mga produktong ito. Nakakatawang sinabi niya na kung hindi mahusay ang ibinebenta niyang Chinese products, sana matagal na siyang nalugi.

"Kung ako ang tatanungin ninyo, hindi lang ako gumagamit ng mga gadgets na gawa sa China; nagbebenta pa ako nito. Nagpupunta ako ng Maynila para mamili tapos inuuwi ko sa probinsiya namin para ipagbili. Kaya kabisadong-kabisado ko ang mga gadgets na made in China. Hindi ako puwedeng mamili ng mamahaling gadgets para ipagbili sa probinsiya dahil walang bibili. Alam niyo na, can't afford. Kung hindi mabili sa Maynila e di mas lalo na sa probinsiya.Madaling mabili at paborito ng mga consumers itong mga gawa sa China kasi bukod sa mababa lang ang halaga, marami ring unique functions atsaka nagtatagal din naman. Ngayon, dahil sa mura nga, pagkatapos mong gamitin ng ilang taon, puwede ka na uling bumili ng bagong labas na model. Hindi ka dehado. Kung iyong mamahalin ang bibilihin mo, manghihinayang kang palitan kaagad dahil mahal, eh.

Siyempre apektado ang negosyo namin ng mga lumalabas na isyu dahil nagkakaroon ng alinlangan ang mga bumibili pero babalik at babalik din sila. Nasa deskarte ko na lang iyon."

Hindi lamang mga prutas at kasuotan na made in China ang binibili ni super-DJ Happy; maging ang kanyang amplifier, mixer at speakers ay gawa rin sa China. So far, wala pa naman siyang nakikitang problema sa mga ito. Nakabili na rin daw siya minsan ng palpak na gamit na may tatak na made in China pero alam niya na peke ito dahil walang seal ng quality control and inspection. Sa kanyang karanasan anya, maganda ang kalidad ng mga produktong gawa sa China at mananatili ang mga ito sa lokal na pamilihan dahil binabalik-balikan ang mga produktong ito ng masang mamimili.

"Alam niyo, normal lang sa trading ng mga bansa ang pagkakaroon ng mga usapin lalo na pagdating sa kalidad ng mga produkto at lahat ng mga bansa ay may problema sa kalidad ng kanilang mga produkto. Kaya dapat ang ganitong isyu ay pinag-uusapan ng mga may kinalamang bansa at departamento. Hindi ito dapat pag-usapan sa radyo at telebisyon. Ang problema kasi, dahil ang media ay mabilis sa ganitong mga isyu, ginagawa nilang sensational o scoop ang trade issues lalo na kung kalaban ng kanilang sponsors ang mga sangkot na produkto. Matagal na akong gumagamit ng mga produktong gawa sa China pero wala naman akong problema. Iyong iba nga matagal ko nang ginagamit. May mga nabili na rin akong palpak pero mga peke naman iyon dahil hindi dumaan sa quality control and inspection. Sa sarili kong experience, in general, okay ang mga gawa sa China at naniniwala ako na hindi rin mawawala sa mga pamilihan ang mga produktong ito sa kabila ng mga naglalabasang isyu."

Ngayon, tingnan naman natin kung ano ang masasabi ng ating textmates hinggil sa isyung pinag-uusapan natin.

Mula sa 917 351 9951: "Kuya Mon, no problem ang made in China. Wala na lang maibalita ang radio and TV networks kaya gumagawa ng isyu."

Mula naman sa 919 648 1939: "Kung hindi okay ang mga gawa sa China, bakit puno ng tao ang mga tindahan ng China products at karamihan ay maramihan pa ang bili?"

At mula naman sa 915 881 2174: "Hindi rin nabawasan ang mga itinitindang produktong made in China sa mga tindahan kasi hinahanap-hanap ito ng average consumers."

Tingnan naman natin kung ano ang sinasabi ng bahagi ng liham ni Jovy Ventura ng Bataan Gerneral Hospital: "Since three to

four years ago pa, pini-patronize ko na ang Chinese made products. Ang mga ubas at mansanas na ginagamit naming pang-Notse Buwena ay galing sa China at iyong karaoke ng mga kapatid ko ay made in China rin. Iyong mansanas ng China ay mas malutong pa sa red apples na mula Amerika at iyong cellphone ko na made in China ay may Chinese characters at English-Chinese dictionary.

Hindi ko na lang pinapansin ang sinasabi ng iba tungkol sa Chinese products. Ang mahalaga, enjoy ako dito."

Maraming salamat sa iyong liham, Jovy. Sorry, wala na tayong oras, ha?

At hanggang diyan na lang ang oras natin para sa gabing ito. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.