Isinilang noong taong 1959 si Fu Xiaohai sa Harbin, isang lunsod sa dakong hilagang silangan ng Tsina. Noong bata pa siya, nagkagusto na siya sa oil painting at ang ambisyon niya ay magiging isang painter. Sa isang di-inaasahang dahilan, namasukan siya bilang litratista.
Noong taong 1988, pumunta siya sa Rusya para mag-aral ng pagkuha ng larawan ng tao at pagkaraan nito, pumunta siya sa mga bansa sa Hilagang Amerika at Europa para sa pagpapataas ng kaniyang kakayahan. Bumalik siya sa Beijing noong taong 2002 bilang isang espesyal na potograpo ng retrato.
Sa kasalukuyan, buong sikap na nireretrato ni Fu Xiaohai ang serye ng larawan ng "mga constructors ng Olimpiyada". Upang mas mahusay na ipakita ang buhay at trabaho ng mga manggagawa, kadalasa'y nilalapitan niya sila para malaman ang kanilang damdamin at naiisip.
Makikita mo, lagi siya nasa construction sites sa hanay ng mga manggagawa na may dalang kaniyang buong set na kagamitang pampotograpiya sa taglamig man o sa maaraw na tag-init, kaya pamiliyar na pamilyar siya sa mga manggagawang ito at nang sa gayo'y maipapakita nang husto ng kaniyang litrato ang tunay na larawan ng pagtatrabaho ng mga manggagawa.
Mga larawang ito hinggil sa buhay at pagtatrabaho ng mga tagapagtayo ng mga pasilidad ng Olimpiyada ay nakatawag ng malaking pansin ng Tsina at maging ng daigdig. Sa kasaysayan ng Olimpiyada, wala pa gayong katha ni Fu sa aspekto ng potograpiya ang natagpuan.
Sa nabanggit na mga larawan ni Fu, sa pamamagitan ng pagpapakita ng mainit na kalagayan ng konstruksyon at matapat na mga manggagawa, nakaramdam ang mga manonood na parang sila mismo ang lumahok sa konstruksyon ng Olimpiyada. At ito nga ang ginagusto niyang matamo sa kaniyang gawain. Sinabi niya na,
"Sa pamamgitan ng isang aktibidad na pansining, nais kong magpakita ng paggalang ng mga tao sa isa't isa, pagmamalasakit sa isa't isa at ito nga ang esensiya ng "human Olympics" at kabighanian ng diwa ng Olimpik."
Sinabi ni Fu na umaasa pa siyang sa pamamagitan ng naturang mga larawan, maaaring malaman ng hine-hinerasyon ang proseso ng konstruksyon ng mga stadiums ng 2008 Beijing Olimpic Games at ang buhay at trabaho ng mga manggagawa.
|