• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-09-18 10:49:45    
Setyembre ika-10 hanggang ika-16

CRI

Idinaos noong Lunes sa Maynila ang handover ceremony ng ika-2 pangkat ng mga tulong na kagamitan na ipinagkaloob ng pamahalaang Tsino sa tropang Pilipino na kinabibilangan ng limang bulldozer at anim na scraper. Sinabi sa seremonya ni Liu Zhongxiang, military attache ng embahada ng Tsina sa Pilipinas, na umaasang mapapatingkad ng mga kagamitang ito ang positibong papel para sa tropang Pilipino at patuloy na mapapasulong ang relasyon ng dalawang bansa at kanilang mga tropa. Pinasalamatan naman ng panig Pilipino ang naturang tulong na kagamitan ng panig Tsino at ipinahayag nitong ang mga kagamitang ito ay gagamitin para sa rekonstruksyon sa mga lugar na naganap ang sagupaan.

Idinaos noong Miyerkules sa Maynila ang seremonya ng pagsimula ng pagsasaoperasyon ng Cebu Pacific Air ng Pilipinas ng flight sa pagitan ng Maynila at Shanghai. Dumalo sa seremonya sina Deng Xijun, charge d'affairs ng embahada ng Tsina sa Pilipinas, Leandro Mendoza, kalihim sa transportasyon at komunikasyon at Joseph Durano, kalihim sa turismo ng Pilipinas. Sa seremonya, sinabi ni Deng na ang pagsasaoperasyon ng naturang flight ay magpapasulong hindi lamang ng pag-uugnayan ng naturang dalawang lunsod, kundi rin ng relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng Tsina at Pilipinas.

Nakipagtagpo noong Huwebes sa Beijing si Tang Jiaxuan, kasangguni ng estado ng Tsina kay U Nyan Win, espesiyal na sugo ng tagapangulo ng Pambansang Lupon sa Kapayapaan at Kaunlaran ng Myanmar at ministrong panlabas ng bansa. Ipinaalam ni U kay Tang ang kalagayan kamakailan ng Myanmar at ipinahayag niyang nagkokonsentra ang pamahalaan ng Myanmar sa pangangalaga sa katatagan ng bansa, pagkakaisa ng mga nasyonalidad at pag-unlad ng kabuhayan at pasusulungin ang proseso ng demokrasya batay sa itinakdang prinsipyo. Ipinahayag naman ni Tang na umaasa ang Tsina na mapapanumbalik sa lalong madaling panahon ng Myanmar ang katatagan ng kalagayan ng bansa at mapapasulong ang pambansang rekonsilyasyon at proseso ng demokrasya, dahil ito ay angkop hindi lamang sa pundamental na kapakanan ng mga mamamayan ng Myanmar, kundi rin sa kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng rehiyong ito. Nauna rito, nakipagtagpo rin kay U si Yang Jiechi, ministrong panlabas ng Tsina. Malalimang nagpalitan ng palagay ang 2 panig hinggil sa bilateral na relasyon at mga isyung kapuwa nila pinahahalagahan.

Kinatagpo noong Huwebes sa Hanoi si Yu Zhengsheng, dumadalaw na kagawad ng pulitburo ng komite sentral ng Partido Komunista ng Tsina o CPC at CPC Hunan Committee ni Nong Duc Manh, pangkalahatang kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam. Sinabi ni Nong na sa kasalukuyan, walang humpay na lumalawak at lumalalim ang pagpapalitan at pagtutulungan ng Biyetnam at Tsina at ng kanilang mga partido. Binigyang-diin niyang lubos na pinahahalagahan ng partido at pamahalaan ng Biyetnam ang pagkakaibigan ng dalawang bansa at patuloy nilang palalakasin ang komprehensibong relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng dalawang bansa. Sinabi naman ni Yu na ang pagpapalalim ng tradisyonal na pagkakaibigan at pagpapalakas ng kooperasyong may mutuwal na kapakinapangan ay komong pangangailangan ng Tsina at Biyetnam at komong hangarin din ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Ipinahayag niyang nakahanda ang partido at pamahalaang Tsino, kasama ng Biyetnam, na buong taimtim na isakatuparan ang isang serye ng mahalagang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa para patuloy na mapataas ang relasyon ng Tsina at Biyetnam sa bagong lebel.