Pomett Ann Sanchez mula sa Maynila Siguro may mga naninira lang sa mga Chinese products dahil very competitive mga ito sa global market at mahusay ang mga Chinese companies sa mass production. Nasasapawan kasi ng Chinese products ang mga gawa sa ibang bansa. Dapat lahat ng bansa ay matutong makipag-compete sa open market lalo na ngayon na ang trend ay globalization ng trade. Matagal na ring maraming itinitindang Chinese products dito sa Pinas bakit ngayon lang sila nagsasalita ng kung anu-ano? Karamihan sa mga itinuturo nilang defective products ay hindi legitimate Chinese products iyon. At ang isang point ko pa, ang mga isyu tungkol sa trade ay hindi dapat magkaroon ng effect sa pangkalahatang relation ng mga bansa.
Wilbert Nicolas mula sa Bukidnon Kung ako ang tatanungin ninyo, hindi lang ako gumagamit ng mga gadgets na gawa sa China; nagbebenta pa ako nito. Nagpupunta ako ng Maynila para mamili tapos inuuwi ko sa probinsiya namin para ipagbili. Kaya kabisadong-kabisado ko ang mga gadgets na made in China. Hindi ako puwedeng mamili ng mamahaling gadgets para ipagbili sa probinsiya dahil walang bibili. Alam niyo na, can't afford. Kung hindi mabili sa Maynila e di mas lalo na sa probinsiya. Madaling mabili at paborito ng mga consumers itong mga gawa sa China kasi bukod sa mababa lang ang halaga, marami ring unique functions atsaka nagtatagal din naman. Ngayon, dahil sa mura nga, pagkatapos mong gamitin ng ilang taon, puwede ka na uling bumili ng bagong labas na model. Hindi ka dehado. Kung iyong mamahalin ang bibilihin mo, manghihinayang kang palitan kaagad dahil mahal, eh.
Siyempre apektado ang negosyo namin ng mga lumalabas na isyu dahil nagkakaroon ng alinlangan ang mga bumibili pero babalik at babalik din sila. Nasa deskarte ko na lang iyon.
Happy mula sa Maynila Alam niyo, normal lang sa trading ng mga bansa ang pagkakaroon ng mga usapin lalo na pagdating sa kalidad ng mga produkto at lahat ng mga bansa ay may problema sa kalidad ng kanilang mga produkto. Kaya dapat ang ganitong isyu ay pinag-uusapan ng mga may kinalamang bansa at departamento. Hindi ito dapat pag-usapan sa radyo at telebisyon. Ang problema kasi, dahil ang media ay mabilis sa ganitong mga isyu, ginagawa nilang sensational o scoop ang trade issues lalo na kung kalaban ng kanilang sponsors ang mga sangkot na produkto. Matagal na akong gumagamit ng mga produktong gawa sa China pero wala naman akong problema. Iyong iba nga matagal ko nang ginagamit. May mga nabili na rin akong palpak pero mga peke naman iyon dahil hindi dumaan sa quality control and inspection. Sa sarili kong experience, in general, okay ang mga gawa sa China at naniniwala ako na hindi rin mawawala sa mga pamilihan ang mga produktong ito sa kabila ng mga naglalabasang isyu.
|