Sa Alashanmeng, isang lugar sa Rehiyong Autonomo ng Mongolia sa dakong hilaga ng Tsina, may isang kahima-himala at magandang rehiyong panturista--Tenggeli Dalai--Moon Lake, o Lawa ng Buwan, sa Tagalog.
Sa wikang Mongolian, ang "tenggeli" ay nangangahulugang himpapawid, at ang "dalai" ay tumutukoy sa lawa. Kaya, ang Tenggeli Dalai--Moon lake ay nangangahulugang "magandang lawang kasama ang dagat sa himpapawid". Dahil ang anyo ng lawang ito ay kamukha ng buwang gasuklay, tinawag itong Moon Lake o Lawa ng Buwan sa lokalidad.
Sa Alashan Left Banner na kinaroroonan ng Lawa ng Buwan, medyo mahangin at mabuhangin, tuyo ang panahon at kaunti ang pagpatak ng ulan, sapat ang sikat ng araw at malaki ang bolyum ng pagsingaw. Ang disyerto ng Tenggeli ay ika-4 na pinakamalaking disyerto sa Tsina. Kaya, sa ilalim ng ganitong kondisyon, pambihira ang pangingibabaw ng lawang ito.
Ang kumakantang matandang ito ay si Butugeqi. Siya ay isang guro minsan. Pagkatapos ng pag-retiro, namamasukan siya sa rehiyong panturista ng Moon Lake. Tuwing may darating na mga turista, kumakanta siya, kasama ang iba pang pastol, bilang maiinit na pagtanggap sa mga turista.
Sa loob ng rehiyong panturistang ito, nagpapaalun-alon nang mahinahon ang lawa, umiindak nang maindayog ang mga reed at malayang naglilipara't naghahabulan ang mga mailap na pato. Nakakahikayat ang magandang tanawin doon sa maraming turista, sunud-sunod na ipinahayag nila ang kanilang paghanga. Sinabi ni Ginoong Wang Ming, isang turista galing sa dakong hilagang kanluran ng Tsina, na,
"Napakalaki ng presyur namin sa trabaho, kaya pumarito kami sa weekend. Pagkaraan ng isang gabing pagpahinga, relaks na relaks kami't lipos ng kasiglahan muli sa pagtatrabaho at pamumuhay."
Nang maglakbay sa Lawa ng Buwan, bukod sa pagpapasasa sa tanawin ng lawa sakay ng bapor, madadala pa ninyon ang kadakilaan ng di-masusukat na malawak na disyerto doon sakay ng kamelyo.
|