• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-09-20 11:04:45    
Pagtutulungan sa imprastraktura ng Tsina't Asean, malawak ang prospek

CRI
Idinaos kamakailan sa Beijing ang ika-anim na Porum sa Antas Ministeryal ng Asiya-Pasipiko hinggil sa Pagpapaunlad ng Imprastraktura. Kalahok dito ang mga kinatawan mula sa Tsina at apat na bansang Asean na kinabibilangan ng Singapore, Malaysiya, Biyetnam at Brunei at gayundin ang mga kinatawan galing sa Hapon at Timog Korea.

Nitong 16 na taong nakalipas sapul nang itatag ng Tsina't Asean ang dialogue partnership noong taong 1991, walang-humpay na lumalalim ang pagtutulungan ng magkabilang panig sa larangan ng pulitika, kabuhayan, kultura at iba. Ang kanilang kooperasyon sa pagpapaunlad ng imprastraktura ay isa sa mga ito. Kaugnay nito, ganito ang tinuran ni Nguyen Van Lien, Pangalawang Ministro ng Konstruksyon ng Biyetnam.

"Sa abot ng aking kaalaman, may isang bahay-kalakal na Tsino na namumuhunan sa isang malaking proyekto ng paghawak sa kontaminadong tubig sa Ho Chi Minh City. Kung makukumpleto ang proyektong ito, makakabuti ito sa kapaligiran ng lunsod na ito. Aktibo rin ang mga bahay-kalakal na Tsino sa industriya ng semento. Bukod sa pagtutulungan sa pamumuhunan, marami kaming inaangkat na makinarya mula sa Tsina. Sa tingin ko, buong-sikap na naggagalugad ngayon ang mga bahay-kalakal ng Tsina't Biyetnam ng bagong larangang pangkooperasyon para maisakatuparan ang win-win situation."

Ang Tsina at mga bansang Asean ay may kani-kanilang karanasan na maaring gawing reperensiya ng iba pagdating sa pagpapaunlad ng imprastraktura. Inilahad sa mamamahayag ni Hasnul Bin Mohamad Salleh, Puno ng Water Supply Department ng Ministri ng Enerhiya, Tubig at Komunikasyon ng Malaysiya na:

"Ang suplay ng tubig ay napakahalaga para sa pag-unlad ng kabuhayan ng isang bansa. Sa ilalim ng sustenableng pangangasiwa sa yamang-tubig, nagsusuplay kami ng malinis na maiinom na tubig sa mga mamammayan para mapabuti ang kanilang pamumuhay. Nagsisilbi itong estratehikong garantiya para sa pag-unlad ng bansa."