• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-09-21 14:52:51    
Malinamnam na Stuffed Fried Crabs Mula sa isang Kaibigan

CRI
Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa Cooking Show ng programang Alam ba Ninyo?

Kumusta na kayo mga masugid na tagasubaybay ng Cooking Show ng Serbisyo Filipino? Medyo matagal din tayong hindi nakapagluto, ano? Pasensiya na kayo.

Sana nakikinig sina Buddy Boy Basilio ng M/V Aldavaran, Singapore at J.R. ng Riyadh, Saudi Arabia. Sila ang madalas na magtanong kung kailan uli ako magluluto on air. Tapos, aah, si Mareng Gina ng Baclaran nagtatanong din kung meron akong bagong recipe na maibabahagi sa mga tagasubaybay. Ito. Bago ito.

Muli na naman tayong pinaunlakan ni Aling Nene de la Cruz ng Nene's Carinderia. Lagi daw niyang hinihintay ang ganitong pagkakataon na maibahagi sa mga tagapakinig ng programang ito ang kanyang nalalaman sa pagluluto ng Chinese foods. Narito si Aling Nene at ang inihanda niyang recipe para sa ating programa ngayong gabi.

So, ang hapunan natin ngayong gabi ay Stuffed Fried Crabs, piniritong alimango na pinalamanan ang loob ng shell. Sabi ni Aling Nene, kung napaaga-aga tayo, nasubok daw sana ito ng mga kababayang nangangamuhan sa Hong Kong para

sa celebration ng Hong Kong handover.

Ngayon, tingnan naman natin kung ano ang mga kakailanganin sa pagluluto ng Stuffed Fried Crabs.

Uulitin ko:

2 buhay o lutong alimango

3 kutsarang breadcrumbs

1 dried black mushroom, iyong ibinabad at hinimay

1 spring onion, tinadtad nang pino

1 kutsara ng tinadtad-nang-pinong celery

1/2 kutsaritang asin

White pepper

Ilang patak ng sesame oil

1 itlog, binati nang kaunti

1 kutsaritang harina at

Mantika para sa pagpiprito

Ngayon, naritong muli si Aling Nene para sa paraan ng pagluluto.

Iyan si Aling Nene de la Cruz at ang kaniyang Stuffed Fried Crabs.

Maraming salamat sa inyong pagpapaunlak, Aling Nene. Huwag muna kayong aalis. Titikman natin ang luto ninyo.

Makinig kayong mabuti. Naritong muli ang paraan ng pagluluto:

Gaya ng sinabi ni Aling Nene, kung buhay na alimango ang gagamitin ninyo, pakuluan ito sa maraming tubig sa loob ng 10 minuto. Pagkaluto, dahan-dahang tanggalin ang shell sa likod tapos itabi.

Tanggalin ang lahat ng laman sa katawan, paa at sipit ng alimango. Siguruhin daw na walang matitira ni kapiraso mang bony tissue. Pira-pirasuhin nang manipis ang crab meat tapos haluan ng seasoning at itlog. Hati-hatiin ang mixture tapos ipalaman sa crab shells. Budburan ang ibabaw ng kaunting harina.

Mag-init ng maraming mantika sa kawali at iprito ang stuffed crabs sa loob ng isa o dalawang minuto hanggang maging golden brown.

Sa pagpiprito, dapat daw iyong parteng may harina ang nasa ilalim.

Pagkaprito, puwede na ninyong i-serve. Samahan daw ng chilli sauce sa pagsisilbi.

Maraming salamat kay Percy Uy ng Calamba, Laguna. Sabi niya, lagi daw niyang pinakikinggan ang Cooking Show namin. Kapaki-pakinabang daw ito sa mga tagapakinig. Natututo na sila ng mga bagong recipe para sa sarili nilang hapag-kainan, nakakapagluto pa sila para sa iba para kumita. Sana raw lumawak pa ang programang ito.

Thank you uli, Percy. Salamat din sa inyo sa inyong walang-sawang pakikinig. Wala na tayong oras. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.