• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-09-24 20:22:32    
Setyembre ika-17 hanggang ika-23

CRI
Sinabi noong Lunes ng opisyal ng Kawanihan ng Impormasyon ng Ministri ng Manggagawa at Hanap-Buhay ng Pilipinas na dahil lumalaki nang lumalaki ang bilang ng mga manggagawa ng Pilipinas sa Tsina, pinaplanong itayo ng pamahalaang Filipino ang tanggapan ng mga manggagawa sa interyor ng Tsina, may pag-asang bubuksan ang tanggapang ito sa susunod na taon, pero sa kasalukuyan, tinatalakay pa rin ang mga kinauukulang suliraning gaya ng kinaroroonan nito. Ipinahayag kamakailan ng Ministro ng Manggagawa at Hanap-Buhay ng Pilipinas na sa kasalukuyan, umabot na sa 8 milyon ang mga manggagawang Filipino sa ibayong dagat. Ang interyor ng Tsina ay naging bagong rehiyon ng paglaki ng bilang ng naturang mga manggagawa sa darating na ilang taon, kaya kinakailangan ang pagtatayo ng tanggapan ng mga manggagawa.

Idinaos mula Miyerkules hanggang Biyernes sa Xi'an, punong lunsod ng Lalawigang Shaanxi sa dakong kanluran ng Tsina, ang simposyum ng pagbabawal sa droga ng Porum ng rehiyong Asean. Sa simposyum na ito, ipinalalagay ng mga kalahok na matindi ang kalagayan ng pagyari at pagpupuslit ng droga sa rehiyong ito, bagay na nagsasapanganib sa katiwasayan, katatagan at kaunlarang pangkabuhayan ng rehiyong ito. Binigyang-diin nilang dapat malawakang pasiglahin ng iba't ibang bansa ang lahat ng mga puwersa ng lipunan at patnubayan ang mga mamamayan na makisangkot sa pagpigil at pagbibigay-dagok sa krimeng may kinalaman sa droga at likhain ang mainam na atmospera ng magkakasamang pakikisangkot ng iba't ibang sirkulo ng lipunan sa gawain ng pagbabawal sa droga. Ang tema nito'y "pakikisangkot ng lipunan sa gawain ng pagbabawal sa droga. Ito ay magkasamang itinaguyod ng Tsina at Thailand. Mga opisyal na namamahala sa pagbabawal sa droga at diplomata mula sa 23 panig ng porum ng rehiyong Asean ang lumahok sa simposyum na ito.

Sa "Talakayan hinggil sa Kooperasyong Pang-edukasyon ng ASEAN" na idinaos noong Martes sa Guangxi Normal University, magkakahiwalay na ipinahayag ng mga personaheng galing sa sektor ng edukasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN na kasunod ng komprehensibong pagpapasimula ng pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, naging isa sa mga pinakamasiglang rehiyon ang Guangxi sa pagpapalitang pang-edukasyon ng Tsina at ASEAN. Kabilang sa halos 600 pangmatagalang estudyanteng dayuhan sa Guangxi Normal University ng Tsina ang mahigit 500 mula sa ASEAN, bagay na nangangahulugang nagiging mas mabuti ang kooperasyong pang-edukasyon ng Guangxi at ASEAN.

Lumagda noong Lunes sa Beijing ang China Southern Power Grid (CSPG) at World Bank (WB) sa memorandum. Ayon sa dokumentong ito, isasagawa ng kapuwa panig ang iba't ibang hakbanging pangkooperasyon para magkasamang mapasulong ang kooperasyong pang-enerhiya ng Greater Mekong Sub-region o GMS. Ayon sa memorandum, bukod sa pagsasagawa ng pamumuhunan sa proyekto ng koryente, bibigyan ng CSPG, kasama ng WB, ng kinauukulang pagkatig na teknikal at pagsasanay ng human resources ang mga departamento ng koryente ng iba't ibang bansa sa rehiyong ito. May priyoridad na magkakaloob ang WB ng bagong tsanel ng pangongolekta ng pondo para ibayo pang mapaunlad ang pamilihan ng koryente sa GMS.

Ipinatalastas noong Biyernes sa Beijing ng Media Development Authority o MDA ng Singapore na idaraos ng Tsina at Singapore ang kani-kanilang movie festival sa isa't isa at sa kauna-unahang movie festival ng Singapore na idaraos sa darating na Oktubre sa Beijing, sisimulan ang serye ng aktibidad ng pagpapalitang kultural. Ang nabanggit na festival ay nagsisilbing isa sa serye ng mga aktibidad na itinataguyod ng MDA at ang layon ng mga aktibidad na ito ay mapasulong ang kooperasyon ng dalawang bansa at ang komprehensibong pagtutulungan ng mga mass media ng dalawang bansa.