Noong 20 taong na ang nakaraan, walang garantiya sa saligang pamumuhay ang mga mamayang Tsino at simple ang kanilang pamumuhay sa malayang panahon. Ang lahat ng magagawa nila ay pakikinig sa radyo, pagbabasa ng aklat at iba pa. Ngunit, kasunod ng walang humpay na paglalim ng reporma't pagbubukas sa labas at mabilis na pag-unlad ng kabuhayang Tsino, tumataas nang tumataas ang lebel ng pamumuhay ng mga mamamayang Tsino at naganap ang malaking pagbabago ng pamumuhay ng mga tao. Sa ksalaukuyan, ang pamumuhay ng mga mamamayang Tsino sa malayang panahon ay hindi lamang mas makukulay, kundi naging mas mahalagang bahagi ng pamumuhay ng mga tao at mas maraming Tsino ang nakatuklas ng bagong target ng kanilang pamumuhay sa kanilang sparetime life.
Ang 33 taong gulang na si Lv Tongzhou ay namamasukan sa isang magazine agency. Bata pa siya'y mahilig na siya sa paglalakbay kasama ng kaniyang mga magulang sa iba't ibang lugar. Mahigit 20 taon na ang nakaraan, malalim ang kaniyang damdamin sa pagbabago ng paglalakbay ng mga mamamayang Tsino. Sianbi niya na:
"Noong panahong iyon, atrasado ang kabuhayan. Halmbawa, noon nag-aaral pa ako, wala pa expressway at wala akong pera para pagsakay ng eroplano at tren lamang ang tanging kasangkapang panlalakbay at saka hindi ko kayang bumili ng berth ticket. Masasabi, kaalinsabay ng reporma't pagbubukas, wala nang problema na para sa amin sa aspekto ng komunikasyon at unti-unting nagbabago ang tingin ng mga tao sa paglalakbay. Sa kasalukuyan, gustong gusto ng mga tao ang budget traveling at mga may katangiang paglalakbay."
Kapareho niya ang maraming Tsino sa damdamin sa ganitong pagbabago. Iba sa tradisyonal na paglalakbay, may mas maraming nilalaman at katuturan ang kasalukuyang paglalakbay. Noong 4 na taon na ang nakaraan, naglakbay si Lv sa isang mahirap na rehiyon ng lalawigang Sichuan sa timog-kanlurang Tsina. Nang makita niya ang mahirap at atrasadong kalagayan doon, itinaguyod niya ang isang aktibidad ng pag-aabuloy para sa mga paaralan sa mahirap na rehiyon sa internet. Nakatawag ito ng malaking pansin ng iba't ibang lugar ng bansa, sa wakas, ipinadala nila ang mga aklat sa mahigit 200 paaralan sa nasabing mahirap na rehiyon.
|