Lubos na positibo ang manonood na si Ding Yiming sa pormang ito para palaganapin ang ideya ng Olympics. Sinabi niyang:
"Buhay nang ipinakikilala ng kartong ito sa mga manonood ang maraming anekdota ng Olimpiyada na hindi nalalaman ng mga tao sa porma ng karton. Mabuti ang kartong ito, kawili-wili at natuto ako nang malaki hinggil sa Olympics mula rito."
Nagustuhan naman ng mga manonood ang katangia ng tradisyonal na sining ng Tsina na ipinakita ng naturang karton, ipinalagay ni Li Lu na naging mas kaakit-akit ang karton dahil sa mga elementong Tsino.
"Napakakaakit-akit ng 'Fuwa's Olympic Stories', hind laman para sa mga bata, kundi para sa aming mga may edad. Dahil makukulay at matingkad ang mga larawan nito at iginuhit ang mga ito sa paraang may katangiang Tsino na hindi katulad ng iba pang bansa. Kaya kaakit-akit at kawili-wili."
Kinatha ang "Fuwa's Olympic Stories" batay sa pagtitipon ng katalinuhan ng publiko. Nitong ilang taong nakalipas, nagsimula ang Beijing TV Station ng pangangalap ng mga manuskripto at ideya sa pagkatha sa buong bansa at natanggap nila ang mahigit 200 manuskripto, kahit hindi ginamit ang mga ito sa paglikha, napalawak ang ideya ng mga pangunahing mangangatha. Bukod dito, nag-dub ang mga bantog na mang-aawit at artista para sa karton. Si Zhang Liangying ay nag-dub para kay Fuwa Ying Ying.
Nitong nakalipas na ilang taon, nagbabago ang ideya ng mga nagtatrabaho sa karton ng Tsina at unti-unting narealisa nilang kailangang pag-isahin ang kinatha nilang mga karton at ang kasalukuyang buhay na panlipunan. Sinabi ni Shuai Min, superitindente ng Channel Comics ng Beijing TV Station na:
"Lumampas na sa inaasahan namin ang lebel ng kamalayan ng mga kabataan at maraming silang malalaman. Kailangan nila ang mga kartong may bagong ideya at angkop sa kanilang kalooban at kamalayan. Dapat galugarin sa hinaharap namin ang paksa at payamanin ang kunwento ng mga karton. Sa gayo'y maaangkop sa pangangailangan ng pamilihan."
|