Natapos noong Huwebes ng delegasyon ng Partido Komunista ng Tsina o CPC na pinamunuan ni Yu Zhengsheng, kagawad ng pulitburo ng komite sentral ng partido at kalihim ng CPC Hunan Committee, ang 4 na araw na opisyal na dalaw na pangkaibigan sa Kambodya. Sa panahon ng pagdalaw, kinatagpo noong Martes sa Phnom Penh si Yu ng pangalawang punong ministro at hari ng Kambodya.
Idinaos noong Miyerkules sa Beijing ng mga Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina at Thailand ang ika-6 na taunang pagsasanggunian hinggil sa seguridad ng suliraning pandepansa. Nagpalitan ang magkabilang panig ng kuru-kuro hinggil sa seguridad na panrehiyon at pandaigdig, relasyon ng kanilang hukbo at mga iba pang isyung kapwa nila pinahahalagahan. Ipinahayag ni Zhang Li, chief of staff ng People's Liberation Army ng Tsina na nitong 30 taong nakalipas sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Thailand, mahigpit ang kanilang pagtutulungan sa maraming larangan. Nakahanda anya ang panig Tsino na patuloy na pasulungin ang kooperatibong relasyong pangkaibigan ng dalawang bansa at dalawang hukbo. Ipinahayag naman ng panig Thai ang kahandaang patuloy na palakasin ang pagpapalitan nila ng panig Tsino sa iba't ibang larangan.
Kinatagpo noong Huwebes sa Beijing ni Cao Gangchuan, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina si Winai Phattiyakul, Pangalawang Ministro ng Tanggulang Bansa ng Thailand. Sinabi ni Cao na nakahanda ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Thai para mapasulong ang kanilang aktuwal na pagtutulungan sa iba't ibang larangan. Ipinahayag naman ni Winai na umaasa siyang patuloy na mapapalakas ang pagpapalitan ng dalawang bansa at dalawang hukbo at mapapalalim ang kanilang kooperasyong pangkaibigan sa iba't ibang larangan.
Isinagawa noong Huwebes sa Maynila ng panig militar ng Pilipinas ang isang pagsasanay-militar laban sa terorismo. Napag-alamang ang pagsasagawa ng pagsasanay-militar na ito ay naglalayong palakasin ang kakayahan ng tropang Pilipino sa pagharap sa mga teroristikong pang-aatake at mga teroristikong organisasyon na gaya ng Abu Sayyaf.
Ipinahayag noong Lunes ni Mari Pangestu, Ministro ng kalakalan ng Indonesia na matagumpay na nag-usap kamakailan ang mga opisyal ng Tsina at Indonesia hinggil sa kaligtasan ng pagkain at umaasa ang magkabilang panig na magiging mas malawak at malalim ang kanilang kooperasyon sa larangan ng pamumuhunan sa isa't isa at bilateral na kalakalan. Sinabi rin ni Mari Pangestu na patuloy na palalakasin ng kanyang bansa ang pakikipagtulungan sa Tsina para mapasulong ang pag-aangkat at pagluluwas. Umaasa rin siyang mapapalawak ang larangang pampamumuhunan ng Tsina sa kanyang bansa.
Ayon sa ulat ng mass media ng Thailand kahapon17, ang insidente ng pagbagsak ng eroplano na naganap kamakalawa sa Phuket international airport ng Thailand ay ikinamatay na 89 na tao at ikinasugat ng 41 iba pa. Ayon sa ulat, kabilang sa 89 nasawi ang 31 na dayuhan at 58 Thai, at sa 41 survivors naman, 26 ang dayuhan at 15 ang Thai. Sa kasalukuyan, nahanap ang dalawang black box at isasapubliko ang resulta ng pag-aanalisa sa susunod na linggo.
|