• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-09-25 21:47:21    
Arlene Reyes: ang mga produktong made in China ay matatagpuan ngayon sa lahat ng sulok ng Pilipinas

CRI
Dear Friends,

Maayos ang kalagayan namin dito. Ako ay patuloy sa aking misyon bilang isang estudyante. Paminsan-minsan, kung may chance, nagtatrabaho din on the side. Siyanga pala, gusto kong iulat sa inyo na nitong nagdaang dalawang buwan, ang inyong signal sa 11.700 MgHz, sa 7:30 P.M., ay napakalinaw at naging lalong enjoyable ang pakikinig ko sa inyong mag-aral ng wikang Tsino. Itong bahaging ito ng inyong pagsasahimpapawid ang isa sa pinakagusto ko. Alam ko na pagnatutuo ako ng inyong wika, kung susubukin kong mag-aplay ng trabaho sa mga Chinese company dito sa Maynila, malaki ang chance ko na matanggap. Sana huwag ninyong alisin ang programang ito na alam kong kinagigiliwan ng marami--at talaga namang magagamit pagdating ng araw.

Impressed ako sa halos lahat ng mga topic ninyo sa Alam Ba Ninyo at Tsina sa Matang Bangyaga. Hindi ko rin siyempre maaring kalimutan ang inyong Dear Seksiyong Filipino. Maaring makalimutan ko ang pakikinig sa ibang araw pero hindi kung Biyernes. Redletter ito sa akin.

Ang mga produktong made in P.R.O.C. ay matatagpuan ngayon sa lahat ng sulok ng Pilipinas. Maski na sa Amerika at Europa ganoon din ang China na giant sa economics. I wish you the best.

Ipinaaabot ko ang aking warm hello kay Ramon Jr. at sa mga iba pa niyang kasamahan na gumagawa ng programs para sa amin. Ang gagaling ninyong lahat.

Salamat sa inyong mga regalong ala-ala mula sa inyong istasyon.

Thanks to all
Arlene Reyes
552 Gracia St.
Marick Subdivision
Cainta, Rizal