Ang Fuwa, 2008 Olympic Mascot, ay masiglang tinatanggap sa Tsina at daigdig. Mula noong ika-8 ng Agosto, sinimulan ang pagbobrodkast ng mga TV station ng Tsina ang 100 seryeng karton na ang pangunahing tauhan nito ay mga Fuwa para palaganapin ang mga kaalaman hinggil sa Olympic Games. Hindi lamang ikinagigiliwan ng mga kabataan, kundi ng mga may hustong gulang na manonood.
Ipinalagay ng mga dalubahasa na puno ito ng bagong nilalaman at porma at nagbigay ito ng isang magandang modelo para sa paggawa ng kartong pambansa.
Namuhunan ang Beijing TV Station ng halos 50 milyong Yuan RMB sa paggawa ng "Fuwa's Olympic Stories" na may 100 serye at tatagal ng 11 minuto ang bawat serye. Ito ay pinakamalaking karton ng Tsina na ang pangunahing tauhan ay ang Olympic Mascot.
Naganap bago ang pagbubukas ng 2008 29th Olympic Games sa isang pangkaraniwang pamilya ng Beijing ang kuwentong isinalaysay ng karton. Tinanggap ng 8 taong gulang na batang lalaking si Da You ang kanyang regalong pangkaarawan mula sa kanyang mga magulang- isang serye ng Fuwa at nagsimula ang mga kawili-wiling kuwento sa pamamagitan ni Da You at ang mga Fuwa.
Masiglang ipinakikita nito ang pagsisimula at pag-unlad ng mga sport event, pagbabalangkas at pagpapabuti ng mga tuntunin at mga kuwentong klasikal sa kasaysayan ng Olympic Games.
|