• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-09-27 10:45:47    
Mahigpit na pagsusuperbisa at pamamahala ng Tsina sa kalidad ng pagkain

CRI

Dahil sa responsableng pakikitungo ng pamahalaan at mga bahay-kalakal na Tsino, walang humpay na tumataas ang proporasyon ng up to stantard na food ng Tsina. Tinukoy ni Li Changjiang, puno ng AQISQ, na noong unang hati ng taong ito, ang mga pagkaing umaabot sa itinakdang pamantayan ng Tsina na iniluwas sa E.U., EU at Hapon ay lumampas ng 99%.

Tinukoy din niyang ang Tsina ay isang umuunlad na bansa, at ang kabuuang lebel ng kaligtasan ng pagkain at lebel ng industriya ng produksyon ng pagkain ay may ilang agwat kumpara sa mga maunlad na bansa, kaya mahalaga ang gawain ng pagpapataas ng kaligtasan ng kalidad ng pagkain.

Sa kasalukuyan, may ilang problema sa larangan ng kaligtasan ng pagkain ng Tsina na ipinakikita, pangunahin na, sa ilang maliit na bahay-kalakal ng pagkain ang hindi makakaabot sa standarad. Ipinahayag ni Li na bilang isang organo ng pagsusuberbisa at pamamahala, magsasagawa pa ito ng mas mabisang hakbangin.

"Ang kondisyon ng produksyon ng ilang maliit na bahay-kalakal ng pagkain ay hindi maganda at, ang kalidad ng produkto nila ay hindi matatag. Palalakasin namin ang pagsasaayos, buong tatag na sasarhan ang yaong di kuwalipikadong maliit na bahay-kalakal."

Pormal na ipinalabas kamakailan ng pamahalaang Tsino ang White paper ng "kalagayan ng kaligtasan ng mga pagkain ng Tsina". Ipinakikita ng naturang White Paper na noong isang taon, ang karaniwang de kalidad na pagkain ay tumaas sa mahigit 70%.

Tinukoy ng naturang White Paper na ang pagsasakatuparan ng kaligtasan ng kalidad ng pagkain ay komong mithiin ng mga sangkatauhan, at komong resposibilidad rin ng komunidad ng daigdig. Bilang isang malaking bansa ng pagluluwas at pag-aangkat, ang Tsina ay nakahanda, kasama ng iba't ibang bansa ng daigdig, na palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan, patuloy na magsisikap kami sa larangan ng pag-kontrol ng kaligtasan ng pagkain at pagpapasulong ng malusog na pag-unlad ng kalakalan ng pagkain sa buong daigdig.