Isinalaysay pa niya na maraming malaking kinauukulang kooperatibong proyekto sa pagitan ng Tsina't Malaysiya. May ganitong proyekto sa loob ng Malaysiya at gayundin sa Tsina. Halimbawa, may itinatag ang Malaysiya na bahay-kalakal na humahawak sa kontaminadong tubig sa Tsina. Ipinahayag din niya ang kaniyang pag-asang marami pang bahay-kalakal na Tsino ang mamuhunan sa Malaysiya.
Mayaman din sa karanasan ang Singapore sa pagpapaunlad ng imprastraktura, lalung lalo na sa imprastraktura ng suplay ng tubig. Kaugnay nito, inilahad ni Tan Yok Gin, Puno ng Kawanihan ng Patakaran at Pagpaplano sa Yamang-tubig ng Singapore, na:
"Maliit lamang ang teritoryo ng Singapore, kaya, dapat naming buong-husay na pangasiwaan ang aming yamang-tubig."
Kaugnay ng kooperasyon ng Tsina't Singapore sa pagpapaunlad ng imprastraktura ng suplay ng tubig, isinalaysay niya na may tatlong sumusunod na pamamaraan.
Una, naitatag na ng dalawang bansa ang mekanismo ng pagdaraos ng kinauukulang pandaigdig na pulong tuwing dalawang taon.
Ikalawa, meron din silang di-regular na taunang pagdadalawan at pagpapalitan.
Ikatlo, meron silang mga konkretong kooperatibong proyekto na may kinalaman sa tubig.
Halimbawa, sa tulong ng panig ng Singapore, itinatag sa Zhang Jiagang, lunsod sa Lalawigang Jiangsu sa silangan ng Tsina, ang isang malaking proyekto ng imprastrakturang pantubig.
Sa kanya namang talumpati sa seremonya ng pagpipinid ng nasabing porum, ipinahayag ni Wang Guangtao, Ministro ng Konstruksyon ng Tsina ang pag-asa ng kanyang bansa na mapalalim pa ang pakikipagtulungan sa pagpapaunlad ng imprastraktura sa iba pang mga bansa sa Asya-Pasipiko.
Aniya, sa proseso ng urbanisasyon ng Tsina, lumalaki rin ang pangangailangan sa pagpapaunlad ng mga imprastraktura, bagay na makakalikha ng magandang pagkakataong komersyal para sa mga dayuhan.
|