• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-09-28 18:24:40    
Gaganaping ika-17 Pambansang Kongreso ng CPC, sa mata ng mga dayuhan

CRI

Ang Partido Komunista ng Tsina o CPC, naghaharing partido ng bansa, ay magdaraos ng ika-17 Pambansang Kongreso simula sa ika-15 ng susunod na buwan. Ipinalalagay ng opinyong publiko sa loob at labas ng Tsina na ang gaganaping pulong ay magdudulot ng malaking impluwensiya sa pag-unlad ng pulitika at kabuhayan ng bansa. Sa palatuntunan sa gabing ito, tingnan natin kung paano nagkoment sa gaganaping pulong ang mga dayuhan.

Ganito ang tinuran ni Fazal-ur-Rahman, Direktor sa Silangang Asya ng Institute of Strategic Studies Islamabad (ISSI) ng Pakistan.

"Sa tingin ko, idaraos ang ika-17 Pambansang Kongreso ng CPC sa panahong maraming natamong progreso ang Tsina at dapat ibayong ipaliwanag at itakda ang hinggil sa pagbubukas sa labas at reporma ng bansa. Sa gaganaping pulong, maghaharap ang CPC ng patnubay sa pag-unlad ng bansa sa susunod na limang taon."

Katulad ang palagay ni Gustaaf Geeraerts, dalubhasa mula sa Vrije Universiteit Brussel (VUB), isang kilalang pamantasan ng Belgium.

"Sa pamamagitan ng idaraos na pambansang pulong ng CPC, madaling makita ng mga tao ang direksyon ng pag-unlad ng Tsina sa hinaharap. Umaasa kaming maitatakda ng CPC na pinamumunuan ni Hu Jintao, pangkalahatang kalihim nito, ang mga kalutasan sa mga pangunahing kinakaharap na problema ng bansa na tulad ng kawalan ng balanse ng lipunan, isyung ekolohikal at social security."

Kaugnay ng pangangasiwa ng CPC bilang naghaharing partido ng Tsina, sinabi naman ni Abhisit Vejjajiva, Puno ng Democrat Party ng Thailand, na:

"Sa palagay ko, ang dahilan ng pagtatamo ng kahanga-hangang tagumpay ng CPC ay naisasaayos nito ang direksyon ng pag-unlad ng bansa batay sa kalagayan ng daigdig. Nitong ilang taong nakalipas, ang matagumpay na pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina ay nakatawag ng malawakang pansin ng buong daigdig. Sa ilalim ng nagbabagong situwasyong pandaigdig, hindi madaling pinangangasiwaan ng CPC ang Tsina, isang napakalaking economy."

Kaugnay ng papel ng CPC, sinabi naman ni Jagannath P. Panda, mananaliksik mula sa Institute for Defense Studies and Analyses (IDSA) ng India, na:

"Sa palagay ko, ang kapansin-pansing tagumpay ng CPC bilang naghaharing partido ay napapanatili nito ang kohesyon ng bansa."

Tungkol naman sa kinakaharap na hamon ng CPC bilang naghaharing partido ng Tsina, sinabi ni Eckart von Klaeden, tagapagsalita ng CDU/CSU-Group ng German Bundestag, na:

"Kasabay ng mabilis na pag-unlad ng pambansang kabuhayan, kinakaharap pa rin ng Tsina ang mga hamon na tulad ng kontradisyon ng mabilis na paglaki ng GDP at posibilidad ng pagiging labis na mainit ng kabuhayan, lumalaking agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap na mamamayan, pangangalaga sa kapaligiran at pangangailangan ng pagtatatag ng komprehensibong social security system."

Ipinalalagay naman ni Lionel Vairon, dalubhasa sa mga suliranin ng Tsina mula sa Pransiya, na kung tutugaygayin ang kasaysayan ng pag-unlad ng Tsina, mapapagtagumpayan nito ang nasabing mga kinakaharap na hamon.

"Sa tingin ko, kahanga-hanga ang mga natamong bunga ng Tsina na pinamumunuan ng CPC nitong 30 taong nakalipas. Dapat bigyan ng sapat na panahon ang Tsina para mapatunayang mapapanaigan nito ang mga kinakaharap na problema't hamon."