Nitong ilang taong nakalipas, mabilis na umuunlad ang digital publishing industry ng Tsina. Ayon sa estadistika, noong taong 2006, di-kukulangin sa mahigit 20 bilyong Yuan RMB o 2.5 bilyong dolyares ang kita ng nasabing industriya.
Sa kasalukuyan, dahil sa mabilis na ritmo ng trabaho at pamumuhay, mas maraming tao, lalung lalo na mga kabataan ang higit na nahuhumaling sa pagbabasa ng mga pahayagan at libro sa pamamagitan ng internet at cell phone.
Ang 24-na-taong-gulang na si Chen Yi ay isa sa mga ito. Sinabi niyang gustong gusto niyang magbasa at madalas na siyang mag-download ng mga babasahin sa mga website. Pagdting sa katangian ng mga digital publication, sinabi ni Chen na:
"Sa tingin ko, mas kombinyente ang mga digital publication kumpara sa mga tradisyonal na librong papel. Mababasa ang mga ito sa cell phone o computer at madali ring dalhin."
Ang digital publishing ay isang paraan ng paglalathala na nagtatampok sa sirkulasyon at pagbabayad sa pamamagitan ng internet. Ang mga pangunahing porma nito ay kinabibilangan ng online reading, electric books at digital periodicals.
Nangunguna ang Tsina sa daigdig pagdating sa bilang ng mga digital publication na halos umabot sa 300 libo at may kinalaman ang mga ito sa kultura, kabuhayan, siyensiya't iba pang mga larangan. Bunga nito, mabilis ding tumaas ang kita rito.
Ang Founder Group ay nangunguna sa digital publishing industry ng Tsina at nagsimula ito ng ganitong negosyo noong taong 2000. Ipinagmamalaki ng bahay-kalakal na ito ang may-inisyatibang teknolohiya nitong tinatawag na Apabi Digital Rights Management o DRM System at salamat sa teknolohiyang ito, buong-higpit na napapangalagaan ang karapatan ng mga palimbagan at mga manunulat. Sinabi ni Fang Zhonghua, Pangalawang Pangulo ng Founder, na:
"Ang estratehiya ng aming kompanya sa digital publishing ay magkaloob ng sulong na kinauukulang teknolohiya sa industriya ng paglilimbag ng Tsina."
|