• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-10-04 15:55:49    
Siyensiya't teknolohiya ng Tsina, napakabilis na umuunlad

CRI

Nitong limang taong nakalipas sapul noong ika-16 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), kapansin-pansin ang mga bungang natamo ng Tsina sa larangan ng siyensiya't teknolohiya.

Noong ika-17 ng Oktubre ng 2005, matagumpay na inilunsad ng Tsina ang Shenzhou VI manned spacecraft. Bukod dito, nitong limang taong nakalipas, nagsagawa ang Tsina ng mga malaking proyektong kinabibilangan ng daan-bakal sa pagitan ng lalawigang Qinghai at ng Tibet ng Tsina, paghahatid ng tubig pa-hilaga mula sa timog, three gorges at iba pa. Ngunit sila ay isang bahagi lamang ng maraming mahalagang bungang pansiyensiya't panteknolohiya na natamo ng Tsina nitong limang taong nakalipas. Ayon sa estadistika, nitong limang taong nakalipas, lumitaw ang mahigit 20 libong bungang pansiyensiya't panteknolohiya sa Tsina na may kinalaman sa maraming larangang kinabibilangan ng enerhiya, agrikultura, pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal at iba pa, at sa gayo'y tumaas nang malaki ang kakayahang pansiyensiya't panteknolohiya ng Tsina. Tinukoy ni Ginoong Xv Heping, puno ng tanggapan ng imbestigasyon at pananaliksik ng Ministri ng Siyensiya't Teknolohiya ng Tsina na :

"Nitong limang taong nakalipas, lalo pang lumiit ang agwat ng pangkalahatang puwersa ng siyensiya't teknolohiya ng Tsina at ng sulong na lebel ng daigdig, at pumasok sa unang hanay sa daigdig ang ilang larangan, at mabilis na lumaki ang impluwensiya nito sa pag-unlad ng siyensiya't teknolohiya ng daigdig. Nagkaloob ang siyensiya't teknolohiya ng malakas na pagkatig sa pagpapasulong ng kabuhayan at lipunan at paggarantiya sa seguridad ng bansa."

Sa larangan ng enerhiya, natamo ng mga mananaliksik Tsino ang mahalagang progreso sa aspekto ng pananaliksik at pagyari sa teknolohiya ng paggagalugad at paggamit ng enerhiya, bagay na nakapaglatag ng pundasyon para sa pagsasaayos ng estruktura ng enerhiya at pangangalaga sa seguridad ng enerhiya. Dahil ang Tsina ay isang bansang kulang sa enerhiya, sinubok at niyari ng mga mananaliksik Tsino ang electric auto batay sa estratehiya ng sustenableng pag-unlad ng enerhiya. Isinalaysay ni Ginoong Yv Zhuoping, puno ng instituto ng sasakyang de motor ng Tongji University na :

"May determinasyon ang Tsina na mapipiling sa unang hanay sa daigdig sa aspekto ng pananaliksik-yari ng bagong uri ng electric auto upang harapin ang hamong dulot ng isyu ng enerhiya at isyu ng pangangalaga sa kapaligiran sa pamamagitan ng bagong teknolohiya."

Bukod dito, sa larangan ng kapaligirang ekolohikal at pagpigil at pagbawas sa kapahamakan, natamo nitong limang taong nakalipas ng Tsina ang breakthrough sa masusing teknolohiya sa pagmomonitor sa kapaligiran at pagkontrol sa kontaminasyon sa atmospera, at naitatag ang sistema ng pagmomonitor at paghuhula sa mga malaking likas na kapahamakan.

Kaugnay ng dahilan ng mabilis na pag-unlad ng usaping pansiyensiya't panteknolohiya ng Tsina nitong limang taong nakalipas, tinukoy ni Ginoong Mei Yonghong, puno ng departamento ng patakaran at regulasyon at reporma ng sistema ng Ministri ng Siyensiya't Teknolohiya na ito ay may mahigpit na uganayan sa pagkakatipon ng siyensiya't teknolohiya ng Tsina sa mahabang panahon. Anya :

"Napakalaki ng reserba ng aming bansa sa larangan ng siyensiya't teknolohiya na naiipon sa takbo ng pag-unlad nito. Bukod dito, ipinagmamalaki namin ang mayamang technological human resources, at ang mga ito ay nasa unang hanay sa buong daigdig."