Sapul nang unti-unting buksan ng Tsina ang pamilihang pangkultura, lumalawak nang lumalawak ang larangang pinapasukan ng pondong pribado at dayuhan, bagay na nakakapagpasulong sa mabilis na pag-unlad ng pamilihang pangkultura ng Tsina.
Mula noong katapusan ng nagdaang Agosto, sinimulang itanghal ang "42nd Street" — classical music drama ng Broadway ng Estados Unidos — sa 10 lunsod ng Tsina. Ito ang pinasok ng isang bahay-kalakal na pinatatakbo ng pondong Tsino at Amerikano na itinatag noong 2005. Sinabi ni Ginoong Franz Don, CEO ng kompanyang ito na malawak ang prospek ng pamilihang Tsino. Sinabi niya na :
"Itinatag ng Tsina ang maraming dulaan sa Ningbo, Hefei, Chongqing at iba pang lugar, bago ang mga dulaang ito at maganda ang kondisyon. Pinaplano naming itaguyod taun-taon ang tatlong music drama para maitanghal sa 10 lunsod ng Tsina."
Ayon sa sinusugang "Regulasyon ukol sa Negosyong Palabas" noong 2005, pinayagan na ng Tsina ang pagpasok ng pondong dayuhan sa pamilihan ng palabas ng Tsina. Noong 2003, itinanghal na sa Tsina ng Cameron Mackintosh, bantog na kompanya ng Britanya, ang mga pandaigdigang klaksikal na obra-maestra na gaya ng "Cat", at natamo nito ang malaking tagumpay. Ipinalalagay ng Presidente ng kompanyang ito na maluwag ang kapaligiran ng pamumuhunan sa Tsina, at puspusang kinakatigan ito ng Pamahalaang Tsino.
Sa Tsina, nagugustuhan ng mga mamamayan ang mga inaaangkat na pelikula, teleplay at mga programang pangkultura na ginawa ng Tsina at ibang bansa. Ang pagpapalawak ng pagbubukas sa labas ng industriya ng kultura, ay nakakapagpasagana sa pamumuhay ng mga mamamayan. Sapul noong 2000, magkakasunod na ipinalabas ng Tsina ang maraming patakaran para hikayatin at katigan ang pamumuhunan ng mga kapital na di-ari ng estado sa industriya ng kultura. Ipinalalagay ni Ginoong Qi Yongfeng, puno ng sentro ng pananaliksik sa industriya ng kultura ng Pambansang Lupon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina na pagkaraan ng reporma, napalaya ang potensiyal ng pmailihang pangkultura ng Tsina. Anya :
"Noon, sarado sa labas ang tradisyonal na sistemang pangkultura ng aming bansa, at hindi ito bukas sa pribado at panlipunang pondo. Sa mahabang panahon, ipinagbawal ng bansa ang pamumuhunan ng pondo ng mga mangangalakal na dayuhan sa larangang ito, at ito ay hindi nakakabuti sa pag-unlad ng kultura. Pagkaraan ng bagong round ng pagbubukas sa labas, sa kasalukuyan, napalaya na ang culture productivity. Tumaas nang malaki ang kakayahan ng pamilihan sa pagsuplay."
Sa kasalukuyan, pawang nagbubukas sa pondong dayuhan ang mga larangan gaya ng pamilihan ng palabas, audio and video products at industriya ng paglilimbag ng Tsina. Sa larangan ng negosyo ng artwork, maaaring itatag ng mga mangangalakal na dayuhan ang bahay-kalakal na pinatatakbo ng sariling pondo.
Bukod sa industriyang pangkultura na gaya ng palabas at libangan, ang mga bagong nabubuong larangang pangkultura sa Tsina ay nagkakaloob din ng magandang pagkakataon sa pamumuhunan. Bumibilis ang pagpasok ng mga pondong pribado at dayuhan sa larangan ng bagong media.
|