Sa Tsina, binigbiyan ng bawat mantatrabaho ang isang salary list tuwing buwan na nagrerekord ng kanilang kumikita sa trabaho sa buwang ito. Nitong ilampung taong nakalipas, ang maliit na listahang ito ay parang weatherglass ng lipunang Tsino, nagrerekord ito ng pagbabago ng pamumuhay ng mga mamamayang Tsino.
Nakatira sa isang karaniwang residential building sa lunsod ng Qingdao ng lalawigang Shandong sa silangang Tsina ang 98 taong gulang na si lolo Du. May 3 henerasyon na ang kaniyang pamilya na binubuo ng kaniyang anak na lalaki, manugang at apo. Si lolo Du ay isang mangagawa ng isang pabrikang nagpoprodyus ng panggatong bago magretiro siya. Sa kasalukuyan, ikinabubuhay niya ang kaniyang retirement pension. Kaugnay ng pagbabago ng suweldo sa kaniyang buong buhay, sinabi ni Du na taglay ng malalim na damdamin. Anya:
"Bago itayo ang bagong Tsina noong 1949, napakahirap ng pamumuhay. Kung mayrong kang agahan, mawawalan ka na ng hapunan. Pagkaraan ng liberasyon ng bansa. May garantiya na ang pamumuhay. Nang mag-retiro ako noong 1975, mga 70 o 80 Yuan RMB ang suweldo ko."
Noong 1978, 2 taon na ang nakaraan pagkaraang mag-retiro si lolo Du, sinimulang isgawa ng Tsina ang patakarang reporma't pagbubukas, naganap ang malaking pagbabago sa buong lipunan. Kasabay nito, tumaas din ang suweldo ng mga mamamayang Tsino. Nakinabang din sa bunga ng repoma't pagbubukas si lolo Du. Noong isang taon, umabot sa mahigit 1.7 libong Yuan ang kaniyang pensiyon. Lubos na ikiansisiya ni lolo Du ang kasalukuyang pamumuhay nang hindi nagaalala. Ang pinakamalaking malasakit niya ngayon paminsan-minsan ang kaniyang babeng apo na si Xiao Xin na nagtatrabho sa lunsod ng Shanghai.
Ang Shanghai ay isang metropolitan ng Tsina. Noong 2003, pumarito si Xiao Xin pagkaraang magtapos siya sa pamantasan at namasukan sa isang bahay-kalakal na ari ng estado. Kadarating sa Shanghai, mahigit 3 libo lamang ang kaniyang suweldo at dapat mag-renta siya ng pabahay. Ngunit sa taong ito, may sarili na siyang mahigit 60 metro kuwadradong pabahay. Sinabi ni Xiao Xin na noong isang taong, binalak niyang bumili ng pabahay dahil ang kaniyang kompiyensa ay, pangunahin na, galing sa patuloy na lumalaking housing provident fund sa kaniyang salary list.
|