Dear Kuya Ramon,
Sana nasa mabuti kayong kalagayan.
Ako, heto, surviving. Nakakaraos naman sa araw-araw.
Malaking-malaki na ang pagkakaiba ng Filipino Service ngayon at noon. Noong dekada 90, basta nagbabalita lang kayo sa Tagalog tapos puro English na. Noon, walang SMS at phone calls, snail mail lang; ngayon, puwede pa kaming makipagteks sa inyo at para rin tayong textmates na nagsasagutan at kung meron kaming tanong, kaagad ninyong nasasagot sa pamamagitan ng cellphone o e-mail. At ngayon, mas lalo pang naging close ang dating Seksiyong Filipino sa mga listeners.
By the way, magdiriwang kayo ng Araw na Pambansa sa Oktubre 1. Meron ba kayong holiday? Dapat siguro mag-holiday kayo, go somewhere, para mas lalo ninyong ma-enjoy ang mga biyayang dumating sa bansa since i-adopt nito ang reform at opening to the outside world. Since then, lumago na nang lumago ang pambansang kabuhayan at ito pa ngayon ang humihila sa kabuhayan ng maraming Asian at African countries. Congrats and best wishes.
Napakinggan ko iyong episode ng Friday program mo na patungkol sa made in China. Tama ang sabi ng inyong mga tagapakinig, marami lamang naninira sa mga produkto ng Tsina kasi nasasapawan ang kanilang mga paninda sa market. Kung may problema ang mga produktong ito, hindi ito tatangkilikin ng masang mamimili. Hindi kapani-paniwala ang kanilang negative remarks.
Pero ano man ang sabihin nila, stick pa rin ako sa Filipino Service ninyo.
Always, Kris Sagun New Territories, H. K.
|