Idaraos ang ika-17 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC)—naghaharing partido ng bansa. Kung sasariwain ang diplomatikong praktika ng Tsina nitong nakalipas na 5 taon, makikita naming ang ideya ng pagtatatag ng may-harmonyang daigdig ay naging isa sa mga pangunahing tema ng diplomasya ng Tsina. Sa ilalim ng patnubay ng nasabing ideya, mabungang-mabunga ang diplomasya ng Tsina sa nakaraang 5 taon.
Sa summit bilang pagdiriwang sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng UN noong Setyembre ng 2005, kauna-unahang iniharap ni Pangulong Hu Jintao ng Tsina ang ideya ng pagtatatag ng may-harmonyang daigdig. Ipinalalagay niyang ang pagtatatag ng may-harmonyang daigdig ay dapat maggiit sa multilateralismo para maisakatuparan ang komong katiwasayan, mag-adhere sa kooperasyong may mutuwal na kapakinapangan para maisakatuparan ang komong kasaganaan at manangan sa diwa ng pagbibigayan para maisakatuparan ang sibilisadong diyalogo. Ipinaliwanag ng Pangulong Tsino na,
Dapat itatag namin ang bagong ideolohiyang panseguridad na may pagtitiwalaan, mutuwal na kapakinabangan at pantay na kooperasyon, at gayun din itatag ang makatarungan at mabisang kolektibong mekanismong panseguridad; dapat pasulungin ang pagtatatag ng mahusay, bukas, makatarungan at walang-pagtatanging sistema ng multilateral na kalakalan; dapat isabalikat ng mga maunlad na bansa ang mas maraming responsibilidad at puspusang pasulungin ang pagpapabilis ng mga umuunlad ng kaunlaran na bansa para lumikha ng isang siglong magtatamasa ang bawat tao ng kaunlaran.
Nagpapatingkad din ang Tsina ng mas positibong papel sa mga suliraning pandaigdig at mainit na isyu. Sa isyung nuklear ng Korean Peninsula, iminungkahi ng Tsina ang paggigiit sa 6-party Talks, pinanatili ang talastasang ito sa landas ng diyalogo at natamo ang mahalagang breakthrough; kaugnay ng isyu ng Darfur ng Sudan, nagpatingkad ang Tsina ng konstruktibong papel sa pagpapasulong sa pagdaraos ng pamahalaang Sudanese, UN at Unyong Aprikano ng diyalogo at pantay na pagsasanggunian; ipinadala rin ng Tsina ang mga tropang pamayapa sa 10 bansang gaya ng Libya at Lebanon at aktibong nakisangkot sa aksyong pamayapa ng UN sa lokalidad.
Sa mga isyung pandaigdig na gaya ng paglaban sa terorismo, pagbabago ng klima at katiwasayang pang-enerhiya, ang tinig na galing sa Tsina ay lumalakas na lumalakas at ang ideya ng pagtatatag ng isang may pangmatagalang kapayapaan, komong kasaganaan at harmonyang daigdig ay itinatampok sa konstanteng paninindigan nito.
Sa patnubay ng ideyang ito, humuhusay nang humuhusay ang relasyon ng Tsina sa mga dakilang bansa, lumalalim nang lumalalim ang kooperasyong panrehiyon nila ng mga kapitbansa at lumitaw ng bagong kasiglahan sa pagkakaibigan nila ng iba pang umuunlad na bansa.
Natamo ng paninindigan ng Tsina hinggil sa pagtatatag ng may-harmonyang daigdig ang malawakang pagkilala ng komunidad ng daigdig. Ipinalalagay ni Mohamed Kheir Al-Wadi, embahador ng Syria sa Tsina, na ang ideya ng pagtatatag ng may-harmonyang daigdig ay makakabuti sa pangangalaga sa kapayapaan ng buong daigdig. sinabi niya na,
Niyuyurakan ang sangkatauhan ng masakit na karanasang gaya ng pagsabog at digmaan na dulot ng kontradiksyon ng magkakaibang sibilisasyon at teorya. Iniharap ng pangulong Tsino ang mungkahi ng diversity ng kultura at ideya ng pagtatatag ng may-harmonyang daigdig sa anggulo ng pangangalaga sa kapayapaan ng daigdig. Kapaki-pakinabang ito sa progreso ng iba't ibang bansa at sibilisasyon ng sangkatauhan.
Naging pundamental na patakaran ng pamahalaang Tsino sa diplomatikong praktika ang pagpapasulong sa pagtatatag ng may-harmonyang daigdig at pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad. Sa kanyang working report noong ika-5 ng Marso ng taong ito, muling bingyang-diin ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina na buong tatag na tatahak ang Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad. Sinabi niya na,
Ang pagtatatag ng may-harmonyang daigdig ay dapat igiit sa pagkakapantay-pantay at demokrasya sa pulitika, kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa kabuhayan at pagpapalitan't komong pregreso sa kultura. Dapat isakatuparan ng iba't ibang bansa ang pangmatagalang kapayapaan at komong kasaganaan ng daigdig sa pamamagitan ng pangkaibigang kooperasyon at magkakasamang pagharap sa mga tradisyonal at di-tradisyonal na hamong panseguridad sa daigdig.
|