Noong taong 2006, nagbukas ang Founder ng website na www.idoican.com.cn kung saan mababasa at mabibili ng mga mambabasa ang mga digital na libro at pahayagan.
Sa kabila ng mabilis na pag-unlad, kumpara sa digital publishing industry ng mga maunlad na bansa, meron pa ring mga problema ang industriyang ito ng Tsina na tulad ng copyright at pagsusuperbisa sa nilalaman ng mga limbag na babasahin.
Bilang tugon, nagpulong kamakailan sa Beijing ang iba-ibang kinauukulang panig ng digital publishing industry ng Tsina na kinabibilangan ng terminal equipment provider, publishing technology provider, content operator at kagawaran ng pamahalaan.
Sinabi sa nasabing pulong ni Sun Shoushan, Pangalawang Puno ng General Administration of Press and Publication ng Tsina, na sa harap ng pagbabagong dulot ng digitalization, tiniyak na ng kanyang bansa ang estratehikong pakay ng digital publishing industry. Sinabi niya na:
"Sa hinaharap, patuloy na puspusang pasusulugnin ng Tsina ang digitalization ng industriya ng paglilimbag para, sa pinakaposibleng maabot na saklaw, makapagbahaginan, sa pinakamalaking digri, ang mga tao ng babasahin sa ilalim ng paunang kondisyong pangalagaan ang karapatan sa pagmamay-ari ng likhang-isip o IPR; pabibilisin ang pagtatakda ng mga kinauukulang istandard at pasusulungin ang paglikha ng mga sulong na teknolohiya."
Napag-alamang ang Tsina ay nagsisilbi ngayong ikalawang pinakamalaking internet nation ng daigdig at lampas sa 100 milyon ang bilang ng mga netizen nito. Nakakalika ito ng malawak na prospek para sa pag-unlad ng digital publishing industry ng bansa.
|