• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-10-11 19:19:20    
Mabunga ang pagtitipid ng enerhiya at pagbabawas ng pagbuga ng polusyon sa Tsina

CRI

Kasabay ng pagpapatingkad ng papel ng mga patakarang isinagawa ng pamahalaan ng Tsina sa pagtitipid ng enerhiya at pagbabawas ng pagbuga ng mga dumi, mabilisang bumababa, mula noong nagdaang taon, ang unit consumption ng enerhiya ng GDP ng Tsina at pinipigil ang kalagayan ng paglalala ng kapaligirang ekolohikal.

Ang lahat ng mga mamamayan at pamilya sa Tsina ay pinapakilos ngayon para sa paggawa ng ambag sa pagtitipid ng enerhiya at yaman at pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal.

Nitong ilang taong nakalipas, sumisidhi ang kasalungatan ng Tsina sa pagitan ng mabilis na pag-unlad ng kabuhayan at pangangalaga sa yamang likas at kapaligiran. Upang pabutihin ang kalagayang ito, iniharap ng Tsina ang siyentipikong konsepto ng pag-unlad noong 2003 at puspusang pinabuti ang relasyon sa pagitan ng konstruksyong pangkabuhayan, paglaki ng populasyon at paggamit ng yaman at pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal para maisakatuparan ang sustenableng pag-unlad; dalawang taon pagkaraan nito, iniharap din ng Tsina ang pagtatatag ng lipunang nagtitipid sa likas na yaman at nangangalaga sa kapaligiran; noong 2006 nama'y itinakda nito ang target sa pagtitipid ng enerhiya at pagbabawas ng pagbuga ng mga dumi: hanggang taong 2010, bababa nang 20%, kumpara noong 2005, ang unit consumption ng enerhiya ng GDP ng Tsina at bababa nang 10% ang pagbuga ng mga dumi.

Nitong ilang taong nakalipas, ang pagtitipid ng enerhiya at pagbabawas ng pagbuga ng polusyon ay nagsisilbing pangunahing tungkulin sa takbo ng pagtatatag ng Tsina ng lipunang nagtitipid sa likas na yaman at nangangalaga sa kapaligiran. Isinasagawa ng bansa ang mga hakbangin para sa pagkontrol sa labis na mabilis na paglaki ng mga industriyang gumagamit ng mas maraming enerhiya at lumilikha ng mas maraming polusyon at pinapabilis din ang pag-aalis ng mga atrasadong produktibong puwersa.

Samantala, hiniling din ng pamahalaan ng Tsina sa mga bahay-kalakal na magsagawa ng pagbabago ng teknolohiya para pataasin ang kakayahan sa paggamit ng enerhiya at pagbabawas ng pagbuga ng mga dumi. Kung hindi mararating ang target at pamantayan ng estado sa pangangalaga sa kapaligiran, paparusahan ang mga bahay-kalakal at sasarhan ang yong mga lumilikha ng malubhang polusyon. Narealisa na ng mga namamahalang tauhan ng mga bahay-kalakal ng Tsina ang kahalagahan sa pagtitipid ng enerhiya at pagbabawas ng pagbuga ng mga dumi, lalo na ng mga tagapangasiwa ng mga malaking bahay-kalakal.

Dahil sa lubos na pagpapahalaga ng pamahalaang sentral ng Tsina sa pagtitipid ng enerhiya at pagbabawas ng pagbuga ng polusyon, isinaayos ng mga opisyal sa lokalidad ang kanilang plano at direksyon ng pag-unlad. Noong 2006, pinalaki ng pamahalaan ng Tsina ang proporsyon ng pagtasa sa performance ng mga opisyal sa pangangalaga sa kapaligiran.

Sa kasalukuyan, mabunga ang mga nasabing hakbangin at kinukontrol ang tunguhin ng paglalala ng kapaligirang ekolohikal ng Tsina.

Sa kabila ng nabanggit na mga progresong natamo ng Tsina sa pagtitipid ng enerhiya at pagbabawas ng pagbuga ng polusyon, malaki pa rin ang agwat sa target ng pagsasakatuparan ng lipunang nagtitipid sa likas na yaman at nangangalaga sa kapaligiran. Kaya, umaasa ang pamahalaang Tsino na mapalalaganap sa lahat ng sulok ng pamumuhay ng buong lipunan ang temang pagtatatag ng lipunang nagtitipid sa enerhiya at nangangalaga sa kapaligiran sa pamamagitan ng pagpapakilos ng malawak na masa ng mga tagakonsumo sa paglahok sa pagtitipid ng enerhiya at pagbabawas ng pagbuga ng polusyon at pagbabago ng kanilang estilo ng pamumuhay.